Biyernes, Agosto 31, 2012

MagHelmet ba kamo?



Sabi ng lola ko sumunod daw sa mga matatanda kesa sayo. Eh panu to? Walang helmet, susundin ba ng mga kabataan to? Pulis pa saka Naka uniporme pa naman oh. Yan ang hirap eh kung sinong mga dapat nang huhuli sila pa yung kadalasang lumalabag sa batas.  Diba dapat na kahelmet kapag nakamotor?

Mga kaIsip berde alam nyo ba na napakahalaga ng helmet sa mga nakasakay sa motor angkas ka man o driver. Kapag nasa motor dapat may suot ka na helmet, arm pad saka knee pad. Pero kahit isa dito wala man lang suot to oh? Look.. Isipin nyo kapag hindi nauso ang helmet tapos matumba ka sa motor? Ayun basag mukha for sure. BOOM! Haha.


Dapat daw pala gawa yung Helmet mo sa Expanded Polystyrene foam para matibay, Alam mo ba yun? Hindi nu? Parehas lang tayo. Yung helmet naman kasi na ganyan mahal pero safe ka naman ng sure kumpara sa mga andyan lang sa tabi tabi. Eto lang dabest dyan dapat medyo babaan nila ang presyo kahit onti diba? Para naman abot kaya ng mga motorista. Wait pala! Hindi lang dapat driver may helmet a? Paano yung angkas? Kpag nadisgrasya, driver lang pwede makaligtas? Hindi ganun, dapat parehas!

Pampalubag loob naman, For the information of the mga kaIsip Berde may batas naman para sa hindi pagsuot ng helmet . Yun yung R.A. 154. NO HELMET,  NO TRAVEL. Ganda sa pandinig nu? Hindi naman nasusunod. Nu kaya yun? Haha! May mga Multa pa kapag nahuli ka.Pero ibang klase talaga e. Yung dapat manghuli sya pa dapat ngayon ang hulihin. Tss. Talaga nga naman oh!

Sa dami ba namang nababalita na aksidente na involve ang motor gusto mo pa ba sumama? Madamay yung maganda mong pangalan? Mabawasan yung lahi nyo? Iyakan ka ng mga kamag-Anak mo? Ano pambibili ng kabaong mo? San ka ibuburol? At higit sa lahat paano kung Masira yung pinag-iingatan mong mukha? Ayaw mo naman sigurong mangyari yung mga yan nu? Kaya mag-Ingat kaibigan. Magsuot ng Helmet para iwas Disgrasya.

Mukhang medyo mali yung sabi saken ng lola ko. Dapat pala ganito “sumunod sa mga matatanda na tama kesa sayo” di ba? So, mga Kaisip Berde alam na ha? dami pwede mangyari sa hindi sumusunod sa simpleng batas na yan Madali lang naman e. MagHelmet kapag nakasakay ng motor! Tapos. Ikaw Ingat ka pala next time mamang manghuhuli.

--Obniala

1 komento:

  1. Lupit ng pulis na yan ah!
    IDOL!
    Daig pa niya yung idol kong pulis pangkalawakan na si shaider,.
    YUN! pulis din yun pero may built in helmet sa armor.
    Alam niya kc ang esensya ng kaligtasan at pagsunod sa tungkulin.
    May isa pang ugali.
    May helmet nga nasa siko nmn.
    Kung makakausap ng ulo ang siko eh siguro ang magiging linya niya ay ganito.
    "alam mo siko hiyang hiya naman ko sayo eh no.
    "
    Paano mo susundin ang batas kung mismong nagpapatupad ng batas ay ang siyang sumusuway dito.- FPJ

    Sana maaarok nila ang nais sabihin ni Panday.

    TumugonBurahin