“Pinoy nga naman”. Ang daming talent sa katawan. Kung
tutuusin pwedeng pwede na tayo sa Hollywood. Isa sa mga avengers o kung sino
pang superheroes. Mala-Flash na datingan malamang sa Pilipinas na kayo kumuha.
Kaya tinatawagan ko ang mga director sa Hollywood. Basta salisihan, panalo
tayo!
Mula sa laganap na holdpan, snatch-an, nakawan. Diyan
hindi papahuli ang Pilipino. Kung kasali lamang ang mga ito sa Olympics, baka
naka-history na tayo dahil sa pag-ani ng ginto. Ang problema, alam na kung saan
mapupunta ang mga ito. Sa DINADAMI ba naman ng problema ng PILIPINAS tulad
nito, na halos di na mabilang, dumadagdag pa ang mga SIMPLENG bagay
katulad ng pagtawid ng tama. Sa simpleng bagay na aking binabanggit, maaring
ito ang maging daan tungo sa pagiging disiplinado nating mga Pilipino.
Bakit di ko mawari. Bakit ganun? Malinaw naman. Green
for go, orange for slow, red for stop. Pati ba kulay hirap tayo? Siguro naman
sa pagtanda natin kahit di tayo nakapag-aral, alam natin ang mga kulay sa
trapiko. Aking pupunahin ulit, pagiging TAMAD na naman ba ang dahilan ng mga
ito? Pagkawala ng pasensya? Ang galing naman! Pati pala katigasan ng ulo nadaan
pa sa heredity. Napakaraming tao ang gumagawa ng pagsuway na ito.
Kumbaga sa paggawa ng mineral, salang sala na ang mga
Pilipinong tumawid sa tamang tawiran at tamang oras. Pero counter attack naman
ng Pinoy diyan eh, practicality. Wala naman ngang dumadaan, why wait?
Mahirap tanggapin na sa simpleng bagay, palpak pa din
ang mga kalahi mo. Pasikat ba o nagpapakamangmang lang? Teka, hindi kaya sa
hirap ng buhay ngayon kaya walang alinlangan na tumatawid sila? Immediate
suicide ata ang hanap ng mga taong ganoon. Hindi ko alam ang eksaktong pagitan
ng oras ng pagbabago ng traffic light. Pero suriin naman natin (please naman)
konting oras lang naman di ba? Alam ko time is gold pero life is too precious.
Sa pagmamadali mo baka mapadali din ang buhay mo sa katigasan ng ulo mo. Huwag
naman sana nating hintayin pa ang ganoon mga ka-brad. Konting pagsunod lang
naman, hindi naman na siguro mahirap yun. Kailangan ba madala pa tayo bago
tumino? OA. Kilala ko pinoy. Eksakto OA nga.
Alam ko iba ang feeling kapag nakalampas ka sa mga
nagraragasang mga sasakyan. Sarap! My kilig pa ngang kasama kung minsan. Taas
balahibo! Para kang action star. Finish line! Ngiti sa mga muka ang dulot nito.
Dyahe. Pero tandaan mo, ngiti din ang abot mo pag inabot ka, baka yun nga lang,
sa ilalim ka na ng isang salamin.
--Suelan Jr.
Ayan ang epekto ng pagiging panatiko sa mga aksyong pelikula.
TumugonBurahinEksayting eh.