Huwebes, Agosto 30, 2012

Porselana sa Jeepney



Maputi. Makinis. Masarap haplusin. Iyan ay ang ilan lamang sa mga katangian na pwede nating ihalintulad sa mga porselana. Porselanang hindi mabibili sa mga tiangge sa Divisoria kundi mga porselanang matatagpuan lamang sa mga jeepney na lumilibot sa mga kalye sa kabuuan ng Metro Manila.

Tama ka kaberde! Hindi ko tinutukoy ang mga porselanang produkto ng mga Tsino na dinadala dito sa Pilipinas. Ang porselanang tinutukoy ko ay ang legs o hita ng mga babae na nakasuot ng perfect shorts na sumasakay sa mga jeepney na tumutungo saanmang sulok ng magulo at puro kamunduhang bansa natin.

Huwag magalala mga kaberde! Wholesome tayo. Wala kayong hindi magugustuhan na mababasa dito. Pramis!!!

Sa nilagi lagi nating pagbyahe mula sa bahay patungo sa ating sintang paaralan, hindi nakokompleto ang adbentyur natin kapag hindi tayo nakakasakay sa mga sasakyang binansagang hari ng kalsada- ang mga jeep o jeepney.

Pero hindi ba natin napapansin na sa tuwing nasa loob tayo ng patok o kaya naglulumaang jeepney ay palagi tayong may nakakasakay na mga chix na nakasuot ng perfect shorts? Hanep di ba? Kapag lalaki ka, mapapasabi ka ng “Thank goodness!” kapag babae ka naman, mapapabulong ka ng “Ang kapal ng mukha, akala mo kahabaan ang legs, Hmmp. (sabay rolling eyes.)” Oh di ba totoo yan mga kaberde? Huwag na tayo magdeny.

Pero naisisp kaya ng mga chix na nakasuot ng perfect shorts na sa tuwing sasakay sila ng jeepney ay may mga tao nang nakakagawa na ng paglabag sa pagkatao nila? Napapansin kaya nila ang mga simpleng pamboboso na nagagawa ng mga ito? Anu kaya ang maari nilang gawin para pigilan ang mga ito?

Ang ilan sa mga mapagsamantalang pasahero ay pasulyap-sulyap lang ang kayang gawin. Pasili-silip. Usog konti, adjust ng upuan sabay titig ng matagal. Ubo kunwari para lang may dahilan upang lumingon at tignan ang mga porselana. Pero ang iba sa kanila ay higit pa roon ang kayang gawin. Mayroon ng kayang kunan ng litrato o video ang mga porselana ng mga kababaihan. Ay nawa! Makonsensya naman kayo.

Dito na papasok ang limang pinaka epektibong tips para pigilan ang mga  nilalang na puro kamunduhan lamang ang alam sa pagtitig at pagkuha ng mga litrato ng mga porselana ninyong mga kababaihan:

Una, iwasan ang magsuot ng perfect shorts o alin mang uri ng mga damit na tinipid sa tela. Ikalawa, kung hindi maiiwasan ang magsuot ng perfect shorts, pumwesto sa bandang gitna ng jeepney dahil doon ang pwestong palaging sinisiksik. Tiyak na mahihirapan sila na tumingin sa inyo. Ikatlo, magdala palagi ng backpack o kahit anung bagay na pwedeng ipantakip sa inyong porselana. Ikaapat, uminom palagi ng salabat. Epektib ito para mapaganda ang boses ninyo kapag dapat ninyo ng sigawan ang violators ng inyong pagkatao. At ikalima, magpraktis magkarate. Magagamit ito kapag naaktuhan ninyong kinukunan kayo ng mga taong kamunduhan lamang ang nalalaman.

Ayan mga kaberde, wala na kayong dapat ipagalala. Alam na ninyo ang dapat gawin sakaling may mga magtangkang kunan ng litrato or video ang inyong mga porselana. Basta palagi lang na tatandaan, walang mambabastos kung walang magpapabastos.
                              
                                                                                                                    -- Villaruel Jr.

5 komento:

  1. Nagustohan ko ang ginamit mong termino.
    "Perpek Shorts"!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nagustohan din namin ang iyong muling pagkomento sa aming blog.

      wholesome kasi ang Alpha 'Gee. Hindi na bago samin ang paggamit ng ibang termino sa mga SPG na pananalita.

      Asahan pa ang patuloy na paggawa ng de kalidad na mga blog.

      -- Villaruel Jr.

      Burahin
  2. May kasabihan nga kasi noon.
    "Practice makes perfect but Nobody is perfect so why bother practice?"

    Ngayon: "Practice makes perfect but Nobody is perfect" but atleast i glance on perpek shorts of that sexy lady.

    Oha!
    tinuro yan sa akin ni Suelan JR.

    TumugonBurahin
  3. napansin ko.
    Sana wag maging parang awtomatiko ang response mo sa paglalagay ng paulit ulit na salita na naglalahad ng mga susunod na gagawin sa blog na ito.
    Para ksing nagiging awtomatiko o bot ang nagiging kinakalabasan kung iyong uulit ulitin ang mga salitang iyong ginagamit.
    Ayun lng.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat sa iyong komento. :D

      Pag-iisipan namin ang iyong sinabi.

      -- Villaruel Jr.

      Burahin