Biyernes, Agosto 24, 2012

DISIPLINA NAMAN!



 Simple instruction cannot follow? Ganyan ba talaga tayo? Tapos kapag umani ng batikos, magagalit? Kung alam mong tama ka, panindigan mo. Kung alam mong mali ka, itama mo.

Sa dinami-rami ng mga karatulang nagkalat sa buong Pilipinas, Lahat ba ng mga ito ay nasusunod? Lahat ba nito’y nabibigyang pansin? Isa ka ba sa mga iilan na nilabag ang mga ito? O isa ka sa mga natitirang tapat pa rin sa Bayang sinilangan?

Katulad netong litrato. Bawal nga raw magtapon ng basura pero bakit merong mga basura sa tapat nito mismo? May pahabol pa na multa na nagkakahalagang P500.00 pero may nagmulta na ba sa dami ng mga taong nagtapon ng mga basura dyan? Ganito ba talaga sa Pilipinas, walang ngipin ang batas?

Sabagay, hindi naman talaga nakakapigil ang mga karatula dahil wala naman silang boses, aksyon at lakas. Hindi naman sa lahat ng oras may nakabantay para hulihin ang lahat ng lumalabag sa batas. Nasa sa iyo rin kung susunod ka sa mga sinasabi ng mga ito. Kailangan mo lang naman ng Disiplina para mabigyan ka naman ng ideya sa mga maaaring mangyari kung sakaling hindi mo ito sundin.

“Nasa huli pa rin ang pagsisisi” Isang sikat na Linya na halos alam ng lahat pero hindi naman nasusunod kasi kung nasa kokote mo na nasa huli ang pagsisisi bawat bagay handa ka na sa mga maaaring mangyari. Maiiwasan mo pa ang anumang problema, sakuna at kasawian.

Common Sense, isa pa sa mga kailangan na meron ang isang tao bukod sa disiplina para maging isang mabuting mamamayan sa isang bansa. Kaya kayo mga ka Berde, alam ko meron kayo nyan. Sa mga kakilala nyo na kulang sa mga yan, Kayo na mismo ang manguna para tulungan sila at maging modelo sa iba para lahat tayo sabay-sabay na tatahakin ang pag-unlad!

-- Carbonell

2 komento:

  1. 1. Amyendahan at patatagin ang batas.
    2. Disiplina
    3. Kaalaman at kamulatan sa batas.
    4. Sentido komon (PLEASE pakigamit ito! Pakiusap!!)

    Mapagsama yan mas magiging kaaya aya ang paligid natin. SHENAWA!

    TumugonBurahin
  2. Ito ang kulang ang pilipinas. right.

    TumugonBurahin