At kung nakapagsasalita lang ang basurahan,
malamang e isa kana sa mga nasitsitan at nasermonan nya.
Masakit isipin pero sa tuwing maglalakad tayo,
sasalubungin ka ng basura. Mga basurang nakakalat tulad ng balat ng candy at
tsitsirya, mga filter ng sigarilyo, plastic ng tetra pack juice
at kung ano ano
pa. Mga basurang kalauna’y bumabalik satin pag oras ng sakuna. (imahe
mula sa Philippine native forest trees blog)
Hindi naman sa nagkukulang tayo ng tamang basurahan para dyan, kasi ilang basurahan na mula sa paaralan, opisina, malls, at kahit sa pampublikong lugar maraming basurahan. Nagkataon lang na di ka nga lang shooter, o hindi ka disiplinado.
May mga pagkakataong tapat na ang basurahan, kung bakit di pa magawang itapon ng maayos. Lagi nalang ba nating iisipin na pag dating sa pagtatapon, tayo ay si Michael Jordan o Allan Caidic? Kahit na semento ang binagsakan ng ating basura, ay sasabihin nating shoot sa basurahan. Kelan pa naging compost pit ang kalsada? Kelan pa ba kaya naging basketball rim ang mga ilog?
Ang mahalaga lang ay naitapon natin ang basura. Ang
hindi natin napapansin, na sa tuwing uulan, ang inaakala nating isang basurang
di natapong ng maayos, ay may mga kasama pala. Magsasama-sama, babara sa mga
kanal at ilog, magpapabaha sa ating lugar, at sisira minsan n gating mga
pangarap. Saksi ang mga estero, mga ilog, at ang Manila Bay sa ating
kapabayaan, sa ating kawalan ng disiplina. At sa oras na nag-ngitngit si Inang
Kalikasan, ang mga katagang “Ang Basurang tinapon mo ay babalik sayo.”
Ganito na ba mentalidad nating mga Pinoy pag dating
sa basura, nawawala ang disiplina natin. Nawawala ang pagiging malinis
natin. Oo nga’t sa panloob, masasabing panalo tayo sa kalinisan ng puso, pero
sa kalinisan sa labas, sa literal na labas, masasabi pa ba natin na “SHOOTER
TAYO SA KALINISAN.”
-- Salayo
Sa pagtawag palang natin sa sarili nating "PINOY" doon na mapapansin ang katamaran.. Paano? "PILIPINO" tayo!! hindi "PINOY". Sa pagpapaiksi, sa paggawa ng termino na magpapadali sa pagbigkas ng ating lahi nagpapakita na ng katamaran. Paano pa kaya kasimpleng disiplina sa pagtatapon. Kung nais talagang maging disiplinado dapat ilagay sa kokote ng bawat "PILIPINO" na walang makakamtan na pangkalahatan kung hindi nanggaling sa mallit at simpleng pamamaraan. Itigil na ang katamaran. Hane?
TumugonBurahin