Una sa lahat maraming nagiging bunga ang polusyon sa
hangin. Isa rito ay ang ulang asido. Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang
kemikal tulad ng SO2 (Sulfur Dioxide). Na sadyang banta sa kalusugan ng
tao.Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima, bronkaytis
at maari din maging sanhi ng pag-uubo at mga alergies.
Eto pa ah.. dahil din sa usok ng
pagsusunog na yan nakakapagpakapal yan ng green house gases. Alam mo ung green house
gases? Ang green house gases ay ang init na nagmumula
sa araw ay nakukulong sa mundo na dapat ay bumabalik sa kalawakan dahil sa
sobrang init na ating nararamdaman marami ang nagiging epekto nito sa kalikasan
at sa mga tao gets?
Sinasabi rin na ang green house gases ay lumalaganap
dahil sa apat na dahilan. Paglaki ng trapiko, pagunlad ng mga siyudad, mabilis
na pag-usbong ng mga ekonomiya ng maraming bansa at ang industriyalisasyon pero
tanong bakit kasi kailangan pa na sunugin yan? Eh my basurahan naman di ba?
Pero- pero.
May mga batas naman na sakop yung pagsusunog ng basura, Ito ay matapos na
matagumpay na maisaganap ang Forum ukol sa Bantay Sunog Basura na inilunsad ng
Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR), sa pakikipagtulungan ng National Solid Waste Management
Commission (NSWMC) – Secretariat.
Ito ay sa ilalim
ng Republic Act No. 9003, o ng Ecological Solid Waste Management Act, at sa
Republic Act No. 8749, o ng Philippine Clean Air Act. Eto ang kampanyang Bantay
Sunog Basura ay inilunsad sa ilalim ng Programang Linis Hangin noong Nobyembre
ng 2004.Pinapatupad na yan sa ibang lugar dito sa maynila katulad sa San Juan.
May multa doon na P500.00 hanggang P1000.00 pesos, sa Quezon city P1000.00 to
P3000.00 naman, at sa Navotas P500.00 hanggang P1000.00 din. Mahal di ba?
So ano mga kaIsip
Berde? Alam na ha?! Dapat nating iwasan ang labis na pagsusunog ng basura dahil
sa simpleng bagay na ito ay maraming naaapektuhan at isa rin ito sa nagiging
dahilan ng mga sakuna sa ating mundo ok?
-- Obniala
Simple lng. disiplina+ kaalaman+ batas+sentido komon= Balance and healthy nature.
TumugonBurahin