Marami sa paligid natin
ngayon ang hindi kaaya-ayang tignan. Ang iba sa kanila ay natatago sa magulong
syudad na ginagalawan natin. Ang iba naman ay nalalantad na sa harap ng bawat
isa, pero hindi pa rin ito nabibigyan ng atensyon. Kelan kaya natin sila
makikita?
Lingid sa ating mga kaalaman na
mayroon pa palang ibang uri ng polusyon na matatagpuan sa ating kapaligiran.
Karamihan sa atin ay tatatlo lamang ang alam na uri ng polusyon- at iyon ay ang
land, water at air pollution. Pero kung
bibigyan natin ng ilang sandali ng atensyon ang mga nakakainisn na polusyon na
ito, malalaman nating may iba pa palang uri ng nakakadiring polusyon.
Isa na dito ang biswal na polusyon.
Kapag nakakita ka ng isang bagay sa labas ng iyong bahay na hindi kaaya-ayang
tignan, iyon na mismo iyon. Ayon sa isa nating mapagkakatiwalaang source ng
impormasyon, ang polusyong biswal ay isang termino na ibinibigay sa mga panget
at paepal na mga elemento na gawa ng tao sa isang lugar na o isang landscape.
Basta kahit anong bagay na hindi mo nagugustuhang tignan, polusyong biswal na
iyon. Karaniwang halimbawa nito ay ang mga naglalakihang billboard na makikita
mo sa kahabaan ng EDSA.
Marami pang eksampol ng polusyong
biswal na makikita dito sa kalawakan ng Maynila. At ang pinakasikat dito ay ang
mga mala-ispageting electric wires ng mga sambahayan. Ang epal tignan di ba?
Nakakaasar ng tignan, delikado pa sa buhay ng mga tao. Karamihan ng mga
electric wires na nagmumuka ng sapot ni Spiderman dahil sa sobrang
pagkakabuhol-buhol ay matatagpuan sa mga pinakamahihirap na parte ng syudad-
ang iskwaters area o sa lugar ng mga informal settlers.
Sino ang hindi nagugulihanan sa mga
buhol-buhol na kableng ito? Hindi mo sigurado kung kelan ito maaring pumutok at
pagsimulan ng matinding sunog. Nakakatakot di ba? Ilan lang yan sa napakaraming
disgrasya na pwedeng iregalo sa atin ng uri ng polusyon na ito.
Hindi porket mata lang ang
pineperwisyo ng polusyong biswal, hindi na natin ito dapat bigyan ng atensyon.
Hindi natin maaaring ipagsawalang bahala ang mga kaepalan na nagagawa ng mga
tao sa araw-araw. Kung hindi natin ito bibigyan ng solusyon ngayon, baka
balang-araw ay singilin na lang tayo nito ng biglaan at siguradong hindi natin
ito magugustuhan. Kaya kapag may napansin kang panget, sabihin mo- POLUSYONG
BISWAL, pagagandahin kita!!!
-- Villaruel Jr.
Tama. Ang polusyong biswal ay likha ang tao. Mga materialistang tao. Akalain mo yun, ang dating lugar na may maberde at mapunong kalawakan ngayon.? wow isang tondominium kung pagmamasdan. Sarap! Kaya buwiset ang ibang porendyers na dumaan sa kalakhang MAYNILA sa kadahilanang biswal. Biswal na biswal. Sabi nga nung Hollywood superstar Jeremy Renner "Manila is so chaotic" pati yung direktor ng Bourne Legacy di naiwasang mandiri sa mga nakikitang biswal.
TumugonBurahinOh well. disiplina+batas+sentido komon= a better place to live. Manila oh manila. Kailan ka muling magpapakita ang iyong orihinal at ideyal na kagandahan? Sana ay bumalik ka na. Miss na miss kita.
Salamat sa pa-appreciate ha. :D
TumugonBurahinSana nga ay bumalik na ang dating Maynila.
Maynilang hindi lang hinahangaan dahil sa taglay nitong magagandang lugar,
kundi pati na rin sa mga taong nagmamahal na hinding hindi ito pinapabayaan.
Asahan pa ang paggawa ng mga dekalidad na mga blog tungkol sa ating realidad.
-- Villaruel Jr.
Kung pakakasuriin ang estado ng biswal na kaledad ng Maynila, maaring mahirapan na itong maibalik sa dati, mas maganda siguro ay pagibayuhin na lng ang natitirang makasaysayang parte nito at ibagay na lamang sa pagbago ng natitirang parte para maging akma sa konteksto ng modernong panahon
TumugonBurahinsiya nga pala.
Iregard mu na lng ako kay Suelan JR.
kilala niya ko. hahaha
natuwa ako sa paggamit niyo ng ating linguwahe (tagalog) kaysa sa banyagang linguwahe,
pagpatuloy niyo lng yan.
Salamat sa muling pagkomento. :)
TumugonBurahinNaniniwala ang Alpha Gee na sana balang araw ay magkakaroon ng kaganapan ang iyong mga ninanais na mangyari. Basta't nariyan ang pag-asa at pagtutulungan, hindi malabong makamit natin ang ating mga hinahangad. Muli, kami ay taos pusong nagpapasalamat sa iyong muling pagbisita sa aming blog.
Asahan mong makararating kay Suelan Jr. ang iyong muling pagbisita.
Tayo ay mga Pilipino. Responsibilidad nating gamitin ang sarili nating wika. :D
Asahan pa ang paggawa ng mga dekalidad na mga blog tungkol sa ating realidad.
-- Villaruel Jr.