Kailangan bang makatanggap tayo ng masakit na
salita bago tayo matuto? Bakit nga ba ganon na lang tayong mga tao. Hindi naman
lahat ang aking tinutukoy. Mahirap bang pumunta sa comfort room para umihi? Ang
alam ko nga aso lang gumagawa nito. Tanggap na ba ng ibang mga Pilipino na
nag-aasal hayop na tayo minsan? Mula sa mga krimen, pag-uugali, kawalan ng
respeto at MARAMI pang iba.
Sa pagkakaalam ko, hindi
naman laganap ang ganitong uri ng gawain sa ibang bansa. Saan ba nagsimula ang
lahat ng ito? Naging idol ba ng mga tao ang mga aso kaya walang patumpik tumpik
kapag naabutan, sa pader ang bagsak? Sabi nga sa isang commercial, kung
nakakapagsalita lang pader baka namura na ang mga taong gumagawa nito.
Hindi naman nating pwedeng
idahilan na ang mga taong gumagwa nito ay mga walang pinag-aralan. Bakit? Kasi
nung mga bata pa lang tayo tinuruan na tayo ng mga magulang natin na “anak,
kapag naihi o nadumi ka punta ka lang sa banyo”. Minsan pa nga napapagalitan
tayo. “Ang laki laki mo na, naabutan ka pa din!”. Siguro nga nadala na ng iba
ganitong pag-uugali. Ayon sa sikolohiya, kapag lalo mo daw pinipigil ang isang
tao sa paggawa ng mga bagay-bagay, ay lalo siyang magpupursiging gawin ito.
Hanep! Sana pigilan na lang ang lahat ng tao mag-aral para lahat magsikap.
Mahirap unawain ang mga ganitong bagay. Pero natitiyak ko na isa ang PINAKA
dahilan ng ganitong phenomena. Ang pagiging TAMAD.
Mula’t sapul ito ang
dahilan. Andiyan na nga naman ang mga pader at iba pang lugar na wala namang
nakabantay sa mga ito. Konting tingin tingin lang diyan at kapag walang
nakatingin, ayan na, ilalabas na ang sandata at ready for firing na. Mabilis
lang di ba? Hindi nga naman nasayang ang oras mo na hahanap ka pa ng C.R
(comfortable nga ba) para lang umihi. Wais! Nagawa pa natin ang time
management. Iba ang pinoy. Gagawa at gagawa ng paraan para mapadali ang isang
bagay. Dun naman ako humahanga. Wala lang naman yung nagawa mo eh. Bumaho lang
naman yung pader na pinagawa ng may-ari na baka ang perang pinanggalingan nito
ay mula sa pawis at dugo na buong buhay niya pinag-ipunan tapos inihian mo lang
naman. Wala lang di ba? Walang wala. Hindi nakakahiya sayo.
Sana lang maging laganap
ang pagiging logical ng isang tao. Hindi naman kailangan lahat ipapamuka na sa
atin. Hindi lahat visually stated na kailangan pang alalahanan ang isang tao
bago niya gawin ang tama. Sana mangibabaw ang pagiging TAO nating mga Pinoy.
Hindi nawa tayo makalimot sa totoong pinagmulan natin. Kung lahat lang tayo ay
gagamit ng common sense na tinatawag, maayos na pamumuhay siguro matatamasa
natin. Malay niyo, hindi gobyerno ang simula, kayo, tayo.
BAWAL UMIHI DITO! Siguro
ito ang pinakasikat na tagline sa Pilipinas. It’s more fun in the Philippines
eh. Laging tandaan : kapag ang pader gumanti, mata lang ang walang latay.
--Suelan Jr.
Alam mo Suelan JR. Kahit may pinagaralan o wala sa pananaw ko ay sentido komon na lmang ang dapat paganihin patungkol sa mga imoral na gawain ng mga Pilipino. Nasa konteksto na ng pagiisip nila o naging gawain/kultura ang paggawa niyan. Mahirap man tanggapin ay kultura na yan ng Pilipino.
TumugonBurahinKung nais mabago ang ganyang paguugali? Malawakang distribusyon ng batas. Mahigpit at malawak na batas.Sa pamamagitan niyan ewan ko lng kung may magtangka pa na umihi sa pader. Pagnahuli putol t****go/t**i! Dapat impose na impose. Ewan ko lng kung may umihi pa sa pader ng bayan! o mas magandang sabihin NUW. National Urination Wall! oha! Ganda pakinggan ang baho nmn kung pagmamasdan.
pinaka bet kong entry sa lahat :)
TumugonBurahin