Hindi
naman lahat tayo magaling sa math. Siguro marami ang may alam dyan pero iilan
lang ang mga pinagpala maging magaling sa asignaturang nabanggit.
Kung
simpleng adisyon at subtraksyon lang naman ang tatanungin ay naku magagaling
dyan ang mga tsuper! Alam nyo naman parte na yan ng mga buhay nila, diba mga Ka
Berde? Di ka masasabing isang tsuper kung mahina ka dyan dahil kung hinde
madali kang malugi o pagsigawan ng mga pasahero mo na “kulang yung sukli ko
boss!” HAHA!
Pero
sadya lang ba na may mga ibang tsuper na nanlalamang o nanggugulang ng mga
kapwa nila para lang maaga makauwi sa kani-kanilang tahanan dahil nakaboundar y
na at sobra pa ang kinita? Yung tipong sinigaw mo nang estudyante ka pero pagbalik
ng sukli mo sayo ay otso pa rin ang binawas sa binigay mo imbes na syete lang.
Masakit
yun sa kalooban, lalo na kung piso na lang di pa naibalik ng maayos. Ang
mahirap pa nun isisigaw mo na “Boss kulang ng piso!” tapos pagtitinginan ka ng
mga pasahero na parang tingin sayo “Piso na nga lang di pa pinatawad?” sino ba
talaga ang mali sa amin? Ako ba o yung drayber? Kaya ayun mapipilitan ka na
lang manahimik at sasabihin sa sarili na “Sana gamitin nya yung piso ko sa
mabuti” kung medyo matindi ang pag-iisip mo “Sana ikayaman nya yung piso ko!”
Kadalasan
pa, sa mga patok na jeep eto madalas mangyari dahil sa lakas ng tugtog nila ay
magdadalawampung isip ka muna kung paano mo sasabihin sa drayber na kulang yung
sukli nya lalo na kung nasa bandang dulo ka pa. Aabang ka pa ng may bababa o
yung parte ng kanta na mahina o tahimik para makasingit ka para marinig lang ng
drayber ang sasabihin mo. Wag nyo na itanggi mga Ka Berde. Nangyari na ito sa
inyo.
Kaya
tayo mga Ka Berde kung titignan natin ang drayber at ito ay payat, nanghihina,
puyat, luwa ang mata at uubo ubo. Naku, ipaubaya na natin yung piso dahil hindi
naman natin yung ikayayaman hayaan na lang natin, bilang tulong na rin PERO
kung ang drayber ay jeproks, matipuno, malakas pa, mataba ay naku gamitin ang
mga bibig at lakas ng loob dahil bawat piso mahalaga lalo na sa ating mga
komyuters at hindi mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso!
--Carbonell
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento