Miyerkules, Setyembre 19, 2012

Ang Hari ng Kalsada, nagbago na ba?


                          (Imahe mula sa blog na Tadonggeniuskuno. http://tadonggeniuskuno.wordpress.com/tag/dyip/)

Kung minsan magtataka ka
mukhang sa upuan ay sakto na
sa Dyip na pampasada
pero ayaw pang umarangkada

Ang loob ng dyip ay sobrang init
buong katawan mo'y nanlalagkit
hanggang si kuya ay sumigaw
"Konting ipit, konting ipit!"

Lilingon ka sa kaliwa
lilingon ka sa kanan
mapapakamot ka bigla
pagkat sa iyong pagtantya'y
wala ng mauupuan pa

Kahit na masikip
ay maari pang ipipilit
kahit magmukhang nakasabit
ang mga pasahero ng dyip

Mayayamot ka sa piloto
ng Dyip na sinakyan mo
pero di nya maririnig
ang iyong mga reklamo

Maging sa pagratsada
hataw itong si kuya
animoy nasa karera
ang dyip na luma na

Pagdating mo sa iyong paroroonan
parang nayanig ang iyong katawan
may konting hilo pang naranasan
ayaw mo ng maulit kaylanman

Ang iyong bagong ideya
na wag ng sumakay pa
sa Hari ng Kalsada.
Ngunit paano naman ang iba
na may paki sa pasahero nila?

                                                                                 -----   M.D. Salayo

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento