“It
sex up the sex life.”
Yan
ang depenisyon dito ng isang men’s magazine.
Tuwang
tuwa ang mga kalalakihan sa tuwing nakikita sila nito sa mga nagkakapalang
pahina ng mga magasin na binabasa nila. Hindi nila napipigilang mapangiti na
parang may masamang binabalak sa tuwing masusulyapan nila ang mga ito. Karamihan
sa mga lalaki ay nagnanais na mapasakamay nila ang mga ito balang araw.
Siguro
sinusubukan mong hulaan kung ano ang mga tinutukoy ko? Huwag ka nang mag aksaya
pa ng oras dahil sasabihin ko na sa iyo.
diretsyo na tayo sa punto! Ito na ang ikatlong bahagi ng serye ng mga blog
tungkol sa biswal na polusyon.
Kaberde,
maligayang pagbabasa sa artikulo na dadakmain at susunggabin ang mga
naglalakihang …
PRUTAS.
(codename para sa dibdib ng mga kaibigan nating mga babae.)
Huwag munang mag-react mga kaberde! Tulad ng
dati, wholesome pa rin ang nilalaman ng artikulo na ito. Kaya wala kayong dapat
ipagalala.
Ang
hirap kasi sa ibang mga babaeng Pilipina, kukuha nalang sila ng litrato, nasa
mataas pa na anggulo ang kanilang kamera! Ano ba ang kamera nila, CCTV ng MMDA?
Kaya
ayun, kabi-kabila ang kaso ng panggagahasa at pananamantala. Pati mga batang
babae pinapatulan na. Ilang buhay pa kaya ang sisirain ng mga prutas na ito? Ilang
pangarap pa kaya ang wawasakin ng mga prutas na ito? Ilang kaso pa ba ng
pangaalipusta sa mga kababaihan ang idudulot ng mga prutas na ito?
Galing ang litrato na ito sa Google. |
Haaaay…
Kung may magagawa lang sana tayo. MERON naman!
Kaso
mahirap. Pero kahit mahirap, at least POSIBLE.
Hindi
ko isinisisi sa mga prutas ng mga kababaihan ang mga kasalanan na nagagawa ng
mga kalalakihan. Ang nais kong lamang na ipaalam ay kung paano iiwasan ng mga
dalaga na masangkot sa mga malalaswang krimen na bumabalot sa pangaraw-araw na
pamumuhay sa bansang ito na nababalutan ng makapal na kumot ng kamunduhan.
Mahirap
iwasan ang mga prutas sa daan. Kaya kung mismong sa mga lalaki magsisimula ang
disiplina para layuan ang mga naglalakihang prutas na ito, medyo magaantay pa
tayo ng mahabang panahon. Halos imposibleng iwanan ng kalalakihan ang pagnanasa
sa mga prutas.
Hindi
pa kasi nabubuhay sa mundo ang lalaking makakapagpigil sa mga prutas na iyan.
Matagal pa siguro siyang darating. Malamang, wala na tayo nun. Kaya kung
aantayin pa natin siya, wala nang mangyayari. Kaya nararapat lamang na tayo na
ang gumawa ng aksyon!
Kaya
ang suhestiyon ko, mismong ang mga kaibigan na nating mga babae ang dapat na
mag-adjust sa mga pagkakataon na mararamdaman nilang may sumisipat na sa
magkabila nilang mga prutas.
Eh
ano ang dapat gawin?
Madali
lang mga kaberde. SUNDIN lamang ang mga sumusunod na mga tips:
(Epektibo
ito at garantisadong lalayuan na kayo ng mga makamundong mga nilalang kapag
sinubukan niyo.)
Una,
dapat hangga’t maari, huwag nang magtangkang magsuot ng mga damit na mayroong
mabababang necklines. Mas mababa ang neckline, mas madaling makapanilip.
Ikalawa,
iwasan ang mga matataong lugar. Madalas kasi sa mga matataong lugar nagkakaroon
ng tyansa na makachansing ng mga prutas ang mga bastos na nilalang.
Ikatlo,
huwag hahayaang makalapit sa iyo ang sinumang lalaki. Kahit mapakaibigan mo pa
o kabarkada (huwag sundin ang tip na ito kung ang lalapit sa iyo ay ang boypren
mo.). Mahirap na kasing magtiwala. Maniwala ka.
Ikaapat,
huwag ding magsusuot ng perfect shorts. Nakatago nga ang mga prutas mo,
nakabuyangyang naman ang porselana mo. Waepek din yun. Hahabulin at hahabulin
ka pa rin ng mga manyakis.*
At
ang huli, never kakalimutang magdasal at magpasalamat sa Maykapal. Siya lamang
ang nakakarinig sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. J
Oh
mga kaberde, may ideya na kayo kung paano iiwasan ang mga manyakis na mga tao
ha! Sana matulong ang artikulo na ito upang mabawasan na ang kaso ng mga
malalaswang krimen na nangyayari dito sa ating iniirog na bansa.
Lagi
lang pakakatandaan, WALANG mangbabastos kung WALANG magpapabastos (alam ko na
nabasa mo na sa Porselana sa Jeepney itong huling pangungusap kaya huwag nang
magtaka. Haha! ).
*Para
sa kumpletong detalye ng mga tips para iwasan ang mga tiktik ng mga perfect
shorts sa mga pampasaherong jeep, basahin lang ang artikulong Porselana sa
Jeepney. Salamat kaberde!!!
-- Villaruel Jr.
Ilang taon na ring nagamit ang mga damit na maiikli. Wala naman siguro sa intensyon ng gumawa nito ang mabastos lang kaming nagsusuot nito. Kayat ang katagang "walang mambabastos kung walang nagpapabastos" ay hindi tama, una, sinong babae ang gustong binabastos? At wala sa isip naming para bastusin lang ang dahilan ng pagsusuot ng sleeveless at short shorts.
TumugonBurahinAng mga tips naman ay mga bagay na subok na at uubra kung hindi man pangsigurado e malaki ang chance.
Sanay nilagyan mo na lamang na kung hindi maiiwasan, ay magdala ng iba pang kasuotang pupwede naming gamitin kung naka sleeveless kami. Sa ikalawa naman, ang tanong, e pano kung hindi maiiwasan? maaring subukan yung una kong sinabi. :) Sa ikatlong tip ako medyo nalito, bakit ko iiwasan ang mga lalaking kakilala at sobrang kaclose ko? Parang naging plastic na rin ako sa kanila kung ganun ako, at hindi mo sila naging kaibigan kung hindi ka nagtiwala sa kanila, tandaan natin na hindi lahat ng tao ay pare pareho ang iniisip, maaring may tama ka pero may mali ka din, at may mali talaga sa tip na ito.
Nabasa ko ang isa sa mga articles mo tungkol sa porselana (Gets ko yun mr. villaruel jr.) Sana ay naghagilap or nag isip ka pa ng ibang tip dahil ang tema ng iyong article ay gaya ng nasa picture sa taas pero ang tip na ito ay para sa isa mong article. Pero panalo ang pinakahuli mong tip, ang magdasal at magpasalamat sa Diyos.
Pasensya na kung mitikolosa ako at nanermon ako sa blog nyo, kahit sino namay pupuwedeng magcomment dito basta't di nakakasira sa author ng article. Palagi ko tong susubaybayan. Kaibigan pala ako ni Leo Salayo, ang lalaking mukhang ewan na di nagsusuklay, masungit na mabait, magulo kausap sa lahat at akala mo BERDE ang utak pero wholesome yan sa mga kakilala nyang babae, pati sakin heheh.
--Thia Jimenez
Una sa lahat, maraming salamat sa pagbasa at pagkomento sa aming blog! :D
BurahinOo, inaamin ko naman. Syempre nagkakamali rin ako. Wala namang perpektong tao di ba? Siguro normal naman ang magkamali. Hindi ko na lamang uulitin.
Asahan na lamang na sa mga susunod pang mga artikulo ay MAS pagiisapan pa ang mga ilagagay dahi lubha itong nakaaapekto sa madla.
Gusto ko ring malaman mo na labis kaming natutuwa sa iyong naging komento. May nakaka appreciate din pala sa mga gawa ng mga taong sumusulat lamang ng blog para magkagrade.
Maraming salamat talaga! Sa uulitin. :D
-- Villaruel Jr.
Unang una. to MS.Thia. Sa tingin ko dapat mong malaman ang perspektibo ng mga kalalakihan kapag nakakakita sila ng mga ganoong scenario. Nasasabi ko ito bilang isa lalake.
TumugonBurahinIkalawa. Sa progreso ng mga biswal na nakikita, again bilang lalake, (though while im writing this Im having my own prejudice) hindi namin maiiwasan na hindi pagtingin. HIndi bat resposibilidad din sa nagsusuot ng "daring" na pananamit na protektahan ang sarili niya kung kinakailangan. Nagbigay lamang ng suhestiyon ang author ng blog na makakatulong sa maaring makakabasa na kababaihan.
May punto rin ang author sa sinabi niyang walang mababastos kung walang magpapabastos. Sounds right db? Bakit ka naman magsusuot ng daring na kasuotan kung pupunta ka lamang sa isang simpleng salo-salo. Kung pakakapansin maaring pagpapakita ng psychological behavior kung saan minsan and I quote "minsan", sadyang ipinakikitang pasadya ang pinagpalang parte ng katawan (wholesome din ako sa pagsusulat sa blog na ito.)to take credits/to gain attention. Ang pinakaepektibo sigurong paraan ay maging responsable sa kausotang isusuot. Though to some extent may mga butaw na mga manyakis na nagkalat sa ating lipunan, mas mababawasan ang "chance" na mabastos ka kung mas simple at maayos at hindi imposing ang sinusuot db?
At para sa huli kong punto.
Hindi ka naman tutulungan ng Diyos na hindi mabastos. Binigyan ka niya ng utak para magdesisyon sa mga bagay na gagawin mo. If you believe na matutulungan ka ng pagdadasal para makaiwas sa mga butaw na lalake (manyak) sa lipunan do it. Wala namang mawawala sayu. Pero in practicality prevention ang mas mainam. Why take chance na mabastos kung sana una pa lng pede naman mabawasan ang tyansa na mabastos o mas magandang maiwasan ang pangyayareng iyon.
"Think before you act rather than to act before you think."
Maraming salamat muli sa inyong mga pagkomento! :D
BurahinNais ko lamang na malaman niyo na labis kaming natutuwa sapagkat napakaraming punto ang lumilitaw sa mga nangyayaring diskusyon dito sa aming blog lalong lalo na sa aking mga artikulo.
Sana ay magtuloy tuloy pa ang pagsubaybay ninyo sa aming pinakamamahal na blog. Muli, kami ay labis labis na nagpapasalamat sa inyo mga kaberde! Sa uulitin ha. :D
-- Villaruel Jr.