Ipinangalan
kay Epifanio Delos Santos, isang magaling na mamamahayag, pilosopo, abogado,
pintor at iba pa. Ang EDSA ay sikat noon bilang Highway 54.
Ang
kalyeng nagdurugtong sa halos lahat ng lungsod sa kalakhang Maynila. Ang
kalyeng dinadaanan ng halos dalawang milyong sasakyan araw araw. Ang kalyeng
sumikat noong dekada otienta para mapatalsik ang diktadorya. At ang kalyeng
inuulan ng mura araw araw.
Sa
umaga, sa oras ng pagpasok, isa sa mga naiisip natin ay kung trapik ba sa EDSA.
Madalas ding laman ng balita lalo na sa mga oras na alas otso ng umaga at alas
sais ng gabi. Animo’y isang malaking parking lot o isang malaking auto show sa
dami ng sasakyan. Kaya madalas ang anggulo ng aksidente, mapa maliit or malaki.
Nariyan ang mga banggaang sanhi ng hindi pagbibigayan, banggaang sanhi ng
maling pag hilera sa mga lanes ng kalye at mga aksidenteng malala at kumikitil
ng buhay kagaya ng nangyari sa EDSA-Ortigas flyover.
Kaya
naman madalas uminit ang ulo ng mga taong dumadaan dito, lalo na kung
sinasabing “newbie” ka palang pag dating sa pagmamaneho sa EDSA. Bukod sa
nanakit ang binti, hita at paa mo sa kaka palit ng apak sa preno at accelerator
(clutch pa kung manual), e mananakit din ang ulo mo sa tagal ng byahe.
At
dapat masanay ka na kung hindi lang ngitngit ng malalakas na busina ang
maririnig mo, pati na rin ang nagbabagang maaanghang na salita. Sa tuwing
maiipit ka sa trapik ng EDSA sa oras ng pagmamadali mo, si EDSA ang sisisihin
mo, madalas ang katagang “(Mura) EDSA yan, trapik na naman!” Sa oras na
malalate ka sa trabaho, o sa date mo o sa family occasion nyo at naipit ka sa
trapik ng EDSA, sasabihin “Sorry late, trapik sa EDSA e.”
Kung
nabubuhay siguro sa Epifanio Delos Santos, siguro’y masama na rin ang loob nya
sa mga taong sya ang halos sinisisi dahil sa trapik sa EDSA. Itutok mo ang mga
bus terminals sa tabi ng EDSA, hindi bat malaking sagabal kung magsisimula na
ang byahe ng mga mahahabang bus na ito, bukod pa yan sa mga bus na panglungsod
ang ruta. Maliban pa dito ay ang mga drayber na mga abusado, madalas kahit
masakit mang sabihin, ay ang ating mga kababayan na ang mga drayber ng bus na
basta basta nalang bumabalandra sa mga lanes ng EDSA, magbababa at magsasakay
sa mga hindi tamang lugar. Pero kahit sila ang nagkamali, si EDSA pa din ang
bukang bibig na sisihin natin.
Maging
ang mga taxi, dyip, ay kasama sa mga nagpapasikip sa EDSA. Babalandra sa gilid
at magaabang ng pasahero, na kung sana’y nadadaanan nalang ay maiibsan ng kahit
katiting ang trapik. Maging ang pribadong sasakyan ay may mga walang
disiplinang tao din, binabagalan ang kanilang pagmamaneho dahil kung hindi
nagtetext ay may kausap sa telepono. Oo nga’t maingat ka pero mali pa ring may
kausap ka sa telepono habang nagmamaneho ka sa kahabaan ng EDSA. Pero sa kabila
ng mga kasalanang di nila nakikita, si EDSA pa rin ang bukang bibig nila.
Kung titignan naman kasi ay urban development plan lang ang kulang sa Maynila. Kung sana’y makakagagawa tayo ng isa o dalawa pang lungsod na maihahalintulad sa Maynila ay di kailangan makipagsiksikan at makipagsapalaran dito. Ayon sa balita, mungkahi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na irelocate ang Manila, ang tingin ng nakararami ay tama. Mababawasan ang dami ng sasakyan sa Maynila, dadami nag opurtunidad sa ibang lugar at hindi na kailangang makipagsapalaran sa Maynila, bagkus ay sa bagong lugar na idinedevelop, kagaya ng Laguna, na inuumpisahan ng tayuan nang mga establisimiento at ang kagandahan nito’y sa labas ito ng Maynila.
Ngunit,
aabutin pa siguro tayo ng ilang taon para magawa ang planong ito. Habang nasa
pagpaplano pa siguro ang gobyerno, siguro dapat ibalik nalang sa highway 54
ulit ang EDSA. Bukod sa ito naman ang unang pangalan nito, hindi natin nasisira
ang pangalan ni Epipanio Delos Santos.
May
mga nagsusuwestyon din na gawin nalang Corazon Aquino Avenue ang EDSA, pero sa
tingin ko ay hindi na kailangan at hinding hindi ito gagawin ng anak nyang ni
Kagalang galang na Pangulong Benigno Aquino III. Ikaw ba na pangulo, papayag ka
kaya na murahin ng mga motorista ang nanay mo? Papayag ka kayang sabihang
“(Mura) Cory yan, trapik na naman?” Hindi naman diba?
----M.D. Salayo
Mukhang puro maganda lamang ang komento mo kay Epifanio Delos Santos. May kulang ka pa.
TumugonBurahinIsang magaling na "historian" yan.
Sa sobrang galing naging istoryador. Ika nga script writer. Kung bakit ko nasabi. Siya lang naman ang nagsulat pertaining to Life of Andres Bonifacio.
Ang lahat ng alam natin sa lider ng katipunan ay kay Epifanio galing.
Kamangha mangha talaga. Istoryador. Hindi man lng usisain ang kanyang mga kapalpakan tungkol sa buhay ng isang magiting na bayani.
Tama nga, Kung ano ang ikinagulo niya sa kasaysayan.., ayun din ang ikinagulo ng kalyeng ipinangalan sa kanya.
Ika nga ni Bogart the Explorer "Amazing Creature"(w/ British accent.)
Ang EDSA ang nagpapakita kung gaano kagulo ang sistema simula noon, ngayon, pero wag naman sana sa hinaharap.