Lumaganap nitong mga nakaraang araw ang sigalot
sa pagitan ng mga enforcers at motorist. Sa isang dako, enforcer ang
matapang(with matching kotong syempre) o minsan naman ay ang mga motoristang
kala mo sing tapang ni Superman kung makapagangas at tipong siya lang ang tama
sa mundo. Dumarami ang ganitong insidente. Sino nga ba ang may kasalanan ditto?
O pwede na ba nating sabihin na “ano” ang dahilan nito?
Alam naman natin na sa daan nangyari ang mga
kaguluhang ito. Tuwid nga ba ang dinadaanan natin? Kung titingnan natin, marami
ang sanhi ng sigalot na ito.
Una, “TRAPIKO”. Walang kamatayang trapik.
Hanggang sa maging diktatoryal na ata ang Pilipinas(kung magiging man) ay
mayroon pa ding trapik. Ika nga ng isang manunulat, parte na din dawn g buhay
natin ang trapik. Kasama na ng kamatayan at buwis. Hindi natin pwedeng iwasan
as life goes on. Pagdaan na lang ata sa
ere ang solusyon para hindi magtrapik. Sana maimbento na iyon. Mabawas bawasan
naman ang problema nating mga Pilipino.
Pangalawa, “disiplina”. Lingid sa kaalaman ko,
hindi dumadaan sa mga training ang mga naitatalagang enforcers natin. Bumabase
lang ata sa mga “resume o biodata” ng mga nag-aaply ang mga nauukulan. Ayun na
nga. Yun ang kulang. Kung sasabayan mo nga naman ang init ng ulo ng mga naiipit
sa trapik at wala kanga lam sa paghawak nito, World War III kayo. Sana
magkarron ng mga programa ukol ditto. Kung paano ang tamang pagalalay sa mga
motorista. Mabawasan na din sana ang mga “buwaya”. Baka sakaling hindi na
magkaroon ng mga ganitong klase ng gulo.
Pangatlo, ang mga motorista mismo. Hindi naman
sila lalapitan ng mga may kapangyarihan sa batas(pwera na lang kung kotong lang
ang habol) kung wala silang nagawang paglabag sa batas trapiko. Ang hirap lang
sa atin, lalo na sa mahilig sa pork ay mabilis ang pagiging highblood natin. Na
napuipunta sa pagkawala ng control. Sa pagkawa ng disiplina at sobrang
pagmamagaling natin, nakakalimutan natin na tao lamang tayo. Mabuting usapan na
lang sana idaan ang mga ganitong hindi pagkakaunaawaan o pagkakasunduan. Alam
mo yung “feeling” ng ganun. Swabe.
Ang galling no! konektado lahat. But wait,
there’s more. Ang huling parte ng cycle nito ay… TAYO.-tayong mga ordinaryong
mamamayan. Sa pagsubaybay natin sa mga ganitong eksena, andoon na ang takot,
pangangamba. Pumapasok sa isip natin na hindi na ligtas ang tuwid na daan na
sinasabi.
Masolusyunan sana ang ganitong simpleng gulong
namumuo. Marami ng problema ang Pilipinas. Oh diyos ko. Dadagdag ka pa ba?
--Suelan Jr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento