May
tanong ako mga Ka IsipBerde. Bakit tayong mga Pilipino kung saan masikip dun
tayo hilig sumiksik no? tulad ng sa litrato na yan.. ang Dami naman na tricycle
sa Pilipinas bakit umaapaw pa din yan? Hirap na Delikado pa. Wew!
Teka
teka baka nga naman mas makakamura kapag madami kayo sasakay sa tricycle?
Pero mukhang hindi naman ata. Pwede naman maghintay ng next tricycle
bakit kailangan pa na sumiksik? Para kayong sardinas na pinilit sa loob ng
isang latang maliit. Mga estudyante pa naman to oh.Ang babata pa!
Si
manong naman tignan nyu oh! Medyo nakangiti , siguro sa isip nyan madami
na naman siyang kita. Sulit ung isang pasada. Pero manong naman oh. Hindi mo ba
naisip yung kaligtasan ng mga batang yan? Yung tinuturing na mga Pag-asa ng
bayan. Dahil lang ba sa 7 o 8 pesos nabayad pwede ka na mapahamak. No way pre!
Yung
mga nanay naman ng mga batang to hindi naman ata pinapansin yung ganitong
eksena na dinadanas ng mga anak nila. Dapat sinisita nila yan eh. Kaso hindi
ata. Pagnapahamak yang mga bata tiyak iyak mga yun. Ang mga magulang ay may
konting pagkakamali din na dapat matuto.
Ang isang pampasaherong tricycle ay dapat may apat na sakay lang kasama na ang
driver kapag sumobra dun. Excess passenger na angtawag pasok din sa reckless
driving, tapos may multana 1300pesos with malupet na Seminar. Madaming ata
kinita yung driver mas malaki naman multa kaya ikaw namang driver. Itigil na
yan ok?
Mga
Kaisipberde. Dapat matuto tayo na sumunod sa tama and alagaan ating kaligtasan
ah? Wag na din sumiksik sa mga masisikip, madami pa naman sigurong masasakyan.
Hintay nalang ng next na sasakyan kaysa naman mapahamak ka. Oh hindi nakasya
ah!
-
Obniala
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento