Martes, Oktubre 2, 2012

FLAT nga, PINK naman!


36c.

Isang kombinasyon ng mga numero at letra.

Ninanais ngayon na maangkin ng ilan sa mga kaibigan nating mga babae.

Ito rin ang hinahanap na requirement ng ilan sa ating mga tropang lalake.

Sa panahon natin ngayon, hindi natin maipagkakailang mas lamang ang mga babae na may mayamang prutas kumpara sa mga babaeng hindi nabiyayaan ng mayamang prutas kung paguusapan ang maraming bagay lalong lalo na kung biswal na ideya ang mapagtritripan na topic.

Pero alam naman natin na WALANG KATOTOHANAN ang ideyang ito.

Oo aminin na natin, mas kapansin pansin nga ang mga babaeng may mayayamang prutas.

Nagkakaroon sila mas ng maraming boyfriend. Nagkakaroon sila ng mas maraming opportunities sa mga trabaho. Mas nagkakaroon sila ng excistence sa puno ng  kamunduhan nating bansa ngayon.

Pero talaga nga bang mas angat ang mga babaeng may mayamang prutas kaysa sa mga babaeng hindi nabigyan ng mayamang prutas?

Ang litratong ito ay kinuha sa Google.
SIYEMPRE HINDI.

Hindi lang naman sa sukat ng prutas ibinabase ang iba’t ibang bagay di ba?

Lahat ng kayang gawin ng mga babaeng pinagpala ang mga prutas ay kaya ring gawin ng mga babaeng hindi nabiyayaan.

Wala namang ipinagkaiba sa antas ng kahusayan ang mga babaeng may mayayamang prutas at ang mga babaeng hindi sinwerte na makakuha nito.

Kung tutuusin nga, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, mas epektibo sa trabaho ang mga babaeng hindi sinwerte na makakuha ng mayamang prutas. Ito ay sa kadahilanang mas nakakagalaw sila ng mas maayos at mas freely kumpara sa mga babaeng may mayayamang prutas.

Mas nagmumukang bata rin ang mga kaibigan nating mga babae na flat-chested. Mas nakakaiwas din sila sa mga sakit na may kaugnayan sa mga prutas tulad ng breasr cancer, back pains atbp. Mas madali rin silang makapamili ng mga damit na gusto nila dahil walang iba pang size na isinasaalang alang para lamang makapagsuot.
Mas nakakaiwas din sila sa mga manyakis na pagsipat ng mga taong puro kamunduhan lang din ang nalalaman ( basahin ang Prutas mo!!! Ingatan mo!!! Upang malaman ang mga dapat gawin para iwasan ang mga patingin tingin ng mga manyakis sa inyong prutas.).

Mas nakakalusot din sila sa mga siksikang pila at maliliit na espasyo kung may tinatakbuhan sila.  Hindi rin nila kailangang bigyan pa ng atensyon ang kanilang cleavage sa kahit ano na nais nilang isuot.

At siyempre, mas nakakahanap sila ng taong magmamahal sa pagkatao nila na hindi itumitingin sa sukat ng prutas. J

Kaya mga kaberde, sana ay ipagpatuloy niyo lang ang walang sawang pagmamahal sa inyong mga sarili. Ipagpasasalamat nalang natin ang kung anong meron sa atin. At least nabigyan tayo ng chance na mabuhay sa magulo ngunit masayang bansa na ito. Marami pa namang biyaya ang darating sa atin. Ahahaha! :D

Lagi lang sana nating pakatatandaan na ang kagandahan ay hindi ibinabase sa size ng bra. Salamat mga kaberde!!!

-- Villaruel Jr.

1 komento:

  1. Pasensya na wala akong alam dito.,
    Please refer or ask opinion to Mr. Harry Suelan.
    Sa aking pagkakaalam maraming impormasyon yan regarding sa topic na ito. Si harry pa. Alam na.
    Pasensya kung walang kwenta ang komento ko ngayon.
    hahahahah...

    `Ang sarap talaga maging kapwa laging HAYAHAY.

    TumugonBurahin