Biyernes, Oktubre 12, 2012


       (Color It Red - Paglisan. Mula sa Youtube. http://www.youtube.com/watch?v=qd0W4XOJb00)


Ilang balde ng luha, ilang ilog ng pawis.
Ilang haplos, ilang yakap.
Ilang ngiti, ilang sulyap.
Ilang pagdaing, ilang hiling.

Ang naiipon ng iyong kaanak sa ibayong dagat para mapasaya ka?
Para ang kinabukasan mo ay gumanda.

Ilang araw, ilang buwan.
Ilang taon kaya ang ginugugol.
Ilang kaarawan at ilang gradwesyon.

Ang nawawala? Na ang dapat ay sila ang kasama mo,
Pero ibinabaling nalang nila sa ibang tao para din sayo.

Ilang kahon, ilang bagahe
Ilang muwebles, ilang pamasahe
Ilang damit, ilang sapatos
Ilang de lata, ilang sabon

Ang kanilang iniipon at isasama sa kanilang pag uwi?
Dala ang mga bagay na para sa iyo.
Ang paglisan nila, hindi trabaho sa ibang bansa ang paroroonan ng bawat byahe nila, bagkus ay ang pag uwi sa piling mo.

Kaya’t sa bawat Iyak, at tawa mong kasama sila.
Bawat ngiti, at sulyap
Bawat halik at yakap

Bawat subo ng pagkaing sila ang naghain
Bawat pag sabi nang salitang Mahal ko kayo.

At pag pabaon ng Pag ibig mo
Ilang araw, buwan at taon.
Ilang pawis, pagod, hinga nilang wala ka sa piling nila,
Ay mapapalitan ng Luha,
Luha ng Ligaya.
                                                                                                               ----MCD SALAYO

*Ang ilan sa mga salitang nakasaad dito ay nagmula mismo sa Pamilyang may kamag anak (Magulang, anak, atbp.) na nasa ibang bansa na nakausap ng Awtor. Ngunit hiniling nilang wag mailagay ang kanilang pangalan sa dahilang nais pa rin nilang isapribado ang kanilang pamilya, hiniling din nilang huwag nang kumuha ng larawan at video.
 Gininagalang ng Awtor ang kanilang hiling at bilang pasasamat sa kanilang pagunawa ay isinaad nalang sa ganitong kunteksto ng Awtor ang kanyang narinig at nasaksihan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento