Sabado, Oktubre 13, 2012

Cyber War

R.A. 10175 o mas kilalang Cybercrime Prevention Law. Ito ay batas kung saan magkakaroon na pataw na parusa sa kung sino man ang makagawa ng mga sumusunod:

Illegal access to a computer system
Illegal interception of data
Data interference, including intentional alteration or damaging of data
System interference, including damaging or altering computer data or programs as well as the use of viruses
Misuse of devices
payahag ukol sa cybercrime law
Use, production, sale, procurement, importation, distribution or making available without right of malware, passwords or codes
Cybersquatting
Computer-related forgery
Computer-related draud
Computer-related identity theft
Cybersex
Child pornography
Unsolicited commercial communication
ONLINE LIBEL

Ang pagkakaungkat ng online libel sa nasabing batas ang dahilan ng paghimutok ng buong komunidad ng cyberworld sa Pilipinas. Base kasi sa pagkakaintindi ng iba, ito ay isang kilos kung saan pinipigilan ang bawat user ng internet sa paglalahad ng nararamdaman nila ukol sa mga napapanahon  na isyu o hindi man.

Ang tanong, napapanahon na nga ba ang ganitong uri ng batas dito sa ating bansa? Hati ang opinyon ng mga tao. Pero karamihan, hindi sang-ayon. Ilang taon na nga ba kasi ang mga nagpatupad nito? Kalimitan lang sa mga senador ang my twitter, facebook at iba pang pang-communicate through cyberworld. Malayo ang agwat kung paano itrato ng mga kabataan at senador ang paggamit ng internet.

Opinyon ko lang, ginawa ba to ng gobyerno ng Pilipinas para ipakita na nakagawa sila ng isang bagay na hindi pa nagagawa ng mga 1st world counctries? Biruin mo labing-dalawang taon ang pagkakakulong kapag nakalabag ka sa batas na ito. Wow. Nakakabilib. Sana ang corruption sa Pilipinas nasa Cyberworld din. Para naman ang mga gumagawa nito ay MATAKOT at MAWALA na.

Sa nangyaring ito, mas lalong naipakita na mas nakikilahok na ang sinasabing pag-asa ng bayan ni Jose Rizal. Mas mulat na ang lipunan sa mga isyu na pakiramdam nila’y tinatapakan ang mga karapatan nila.

Internet na lang sa ngayon ang pinakamdaling daan para makapaglahad ng saloobin dahilan sa accessible ito. Nasa makabagong henerasyon na tayo. Isip naman tyong. Hindi na ito Iskul Bukol.



-Suelan Jr.

1 komento:

  1. Noong ginagawa kc ang sansinukob (refer to the creationist theory) ay may idea na ng authority. Kaya ayun siguro..Ang ideya ata ng gobyerno eh.. ang mga mamamayan nirerefer lang bilang mga tupa at ang gobyerno bilang tagapastol. The ruler and the follower. Lechehun na gobyerno inuuna pa yung olats na batas na yan! Pakasuriin makikinabang ba ang mga maralitang Pilipino sa ganoong uri ng batas? hindi ba't mga aristokrata at mga matataas sa lipunan ang makakaramdam ng batas na ito? Gaano kalaking budget ang ilalaan dito? arujuskopo. Anak ng bakang dalaga.. Unahin na lng ang mga primary needs ng mamamayan. Secondary priority na lng dapat yan. Unahin ang mga mamamayan. Teka? Nasa demokratikong pamumuno pa ba tyo? rule of the people? Teka nga ichecheck ko? TIla kc hindi ata ganoon? Kelan ba mamumulat ang sangkatauhan na minamanipula tayo ng piling nilalang, na kapwa natin tao? Sa tingin ko naman ang internet at iba pang uri ng komunikasyon at pagkalap ng mga dapat malaman ay present na sa atin.. Tsaka pa ba tayo kikilos kapag wala?? as in LAST TOWER na lng matitira tapos wala ng pangbuy back? Maging mapagmatyag, maging mapanuri.. di sapat ang maging matang lawin lang.. dapat tayong maging CCTV o (Concerned Citizens Taking Videos Patrol) Sa tingin ko, iyon na lamang ang ating magiging sandata sa hinaharap na magaganap dito sa sanlibutan.

    TumugonBurahin