Biyernes, Setyembre 21, 2012

May Liwanag ang Buhay!

Siguro naman narinig nyo na ang sikat na tag line na yan. HAHA. Oo tama! Sa commercial nga yan ng Meralco. Ang Leading Power Producer dito sa Pilipinas. Halimaw maningil ng bill. Pati yung mga bayarin sa mga “system loss” ng kumpanya pinapasa sa konsyumer. Pero bago tayo malayo sa aking paksa. Ito nga pla ay tungkol sa Polusyong Liwanag o Light Pollution. Malamang sa alamang ngayon nyo lang ito narinig? Siguro yung iba alam pero ito sasabihin ko na ang kahulugan para fair naman sa ibang hindi ito alam. Huwag na kayo magbukas ng GOOGLE!


Ang Light Pollution o Polusyong Liwanag ay polusyon na kung saan sobra ang liwanag sa isang lugar. Kadalasan itong problema ng mga Photographer na katulad ko. Excessive or Obstructive of Artificial Light. Pero problema rin ito ng mga ibang nilalang sa paligid. Kung yung iba nga hindi makatulog ng bukas ang ilaw sa kwarto, yung mga hayop pa kaya?


Kung may oras kayo mamayang gabi or kung gabi nyo man ito mabasa ay lumabas kayo at tumingala sa langit. Siguro naman kung hindi maulap ay may bitwin kayong makikita. Kung wala ito ay senyales na malaki ang epekto ng light pollution sa lugar nyo dahil nabablock/ naooverpower na nya ang liwanag na galing sa bitwin patungo dito sa mundo. Pero kung wala talaga malas lang mailap ang bitwin ngayon bawi na lang bukas.

Masasabi rin natin na maganda siya sa paningin ng iba lalo kung sa high tech na panahon ka nasanay at syempre tignan sa kamera kapag nabalanse mo ang tamang timpla pero kakaiba talaga ang naidudulot nito sa paligid at hindi pa nasusukat ang maaaring maging epekto.

Naapektuhan nitong lubusan yung mga nag-aaral ng astrolohiya. Kung balak nilang kumuha ng litrato o pag-aralan ang galaw at kinikilos ng kalangitan/kalawakan pero matindi ang liwanag sa lugar hirap siyang i-identify ang mga ito dahil hindi niya ito gaano Makita. Katulad ng nasa litrato.

Magtipid ng kuryente. Gamitin lang kung kinakailangan. Huwag nang magsayang ng kung ano ano dahil sa panahon ngayon limitado na ang ating mga pinagkukunang yaman. Ingatan ang kapaligiran!

-          Carbonell

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento