Biyernes, Agosto 31, 2012

MagHelmet ba kamo?



Sabi ng lola ko sumunod daw sa mga matatanda kesa sayo. Eh panu to? Walang helmet, susundin ba ng mga kabataan to? Pulis pa saka Naka uniporme pa naman oh. Yan ang hirap eh kung sinong mga dapat nang huhuli sila pa yung kadalasang lumalabag sa batas.  Diba dapat na kahelmet kapag nakamotor?

Mga kaIsip berde alam nyo ba na napakahalaga ng helmet sa mga nakasakay sa motor angkas ka man o driver. Kapag nasa motor dapat may suot ka na helmet, arm pad saka knee pad. Pero kahit isa dito wala man lang suot to oh? Look.. Isipin nyo kapag hindi nauso ang helmet tapos matumba ka sa motor? Ayun basag mukha for sure. BOOM! Haha.


Dapat daw pala gawa yung Helmet mo sa Expanded Polystyrene foam para matibay, Alam mo ba yun? Hindi nu? Parehas lang tayo. Yung helmet naman kasi na ganyan mahal pero safe ka naman ng sure kumpara sa mga andyan lang sa tabi tabi. Eto lang dabest dyan dapat medyo babaan nila ang presyo kahit onti diba? Para naman abot kaya ng mga motorista. Wait pala! Hindi lang dapat driver may helmet a? Paano yung angkas? Kpag nadisgrasya, driver lang pwede makaligtas? Hindi ganun, dapat parehas!

Pampalubag loob naman, For the information of the mga kaIsip Berde may batas naman para sa hindi pagsuot ng helmet . Yun yung R.A. 154. NO HELMET,  NO TRAVEL. Ganda sa pandinig nu? Hindi naman nasusunod. Nu kaya yun? Haha! May mga Multa pa kapag nahuli ka.Pero ibang klase talaga e. Yung dapat manghuli sya pa dapat ngayon ang hulihin. Tss. Talaga nga naman oh!

Sa dami ba namang nababalita na aksidente na involve ang motor gusto mo pa ba sumama? Madamay yung maganda mong pangalan? Mabawasan yung lahi nyo? Iyakan ka ng mga kamag-Anak mo? Ano pambibili ng kabaong mo? San ka ibuburol? At higit sa lahat paano kung Masira yung pinag-iingatan mong mukha? Ayaw mo naman sigurong mangyari yung mga yan nu? Kaya mag-Ingat kaibigan. Magsuot ng Helmet para iwas Disgrasya.

Mukhang medyo mali yung sabi saken ng lola ko. Dapat pala ganito “sumunod sa mga matatanda na tama kesa sayo” di ba? So, mga Kaisip Berde alam na ha? dami pwede mangyari sa hindi sumusunod sa simpleng batas na yan Madali lang naman e. MagHelmet kapag nakasakay ng motor! Tapos. Ikaw Ingat ka pala next time mamang manghuhuli.

--Obniala

Sukli

Hindi naman lahat tayo magaling sa math. Siguro marami ang may alam dyan pero iilan lang ang mga pinagpala maging magaling sa asignaturang nabanggit. 

Kung simpleng adisyon at subtraksyon lang naman ang tatanungin ay naku magagaling dyan ang mga tsuper! Alam nyo naman parte na yan ng mga buhay nila, diba mga Ka Berde? Di ka masasabing isang tsuper kung mahina ka dyan dahil kung hinde madali kang malugi o pagsigawan ng mga pasahero mo na “kulang yung sukli ko boss!” HAHA!

Pero sadya lang ba na may mga ibang tsuper na nanlalamang o nanggugulang ng mga kapwa nila para lang maaga makauwi sa kani-kanilang tahanan dahil nakaboundar y na at sobra pa ang kinita? Yung tipong sinigaw mo nang estudyante ka pero pagbalik ng sukli mo sayo ay otso pa rin ang binawas sa binigay mo imbes na syete lang.

Masakit yun sa kalooban, lalo na kung piso na lang di pa naibalik ng maayos. Ang mahirap pa nun isisigaw mo na “Boss kulang ng piso!” tapos pagtitinginan ka ng mga pasahero na parang tingin sayo “Piso na nga lang di pa pinatawad?” sino ba talaga ang mali sa amin? Ako ba o yung drayber? Kaya ayun mapipilitan ka na lang manahimik at sasabihin sa sarili na “Sana gamitin nya yung piso ko sa mabuti” kung medyo matindi ang pag-iisip mo “Sana ikayaman nya yung piso ko!”

Kadalasan pa, sa mga patok na jeep eto madalas mangyari dahil sa lakas ng tugtog nila ay magdadalawampung isip ka muna kung paano mo sasabihin sa drayber na kulang yung sukli nya lalo na kung nasa bandang dulo ka pa. Aabang ka pa ng may bababa o yung parte ng kanta na mahina o tahimik para makasingit ka para marinig lang ng drayber ang sasabihin mo. Wag nyo na itanggi mga Ka Berde. Nangyari na ito sa inyo.

Kaya tayo mga Ka Berde kung titignan natin ang drayber at ito ay payat, nanghihina, puyat, luwa ang mata at uubo ubo. Naku, ipaubaya na natin yung piso dahil hindi naman natin yung ikayayaman hayaan na lang natin, bilang tulong na rin PERO kung ang drayber ay jeproks, matipuno, malakas pa, mataba ay naku gamitin ang mga bibig at lakas ng loob dahil bawat piso mahalaga lalo na sa ating mga komyuters at hindi mabubuo ang isang milyon kung kulang ng piso!

--Carbonell

Huwebes, Agosto 30, 2012

Porselana sa Jeepney



Maputi. Makinis. Masarap haplusin. Iyan ay ang ilan lamang sa mga katangian na pwede nating ihalintulad sa mga porselana. Porselanang hindi mabibili sa mga tiangge sa Divisoria kundi mga porselanang matatagpuan lamang sa mga jeepney na lumilibot sa mga kalye sa kabuuan ng Metro Manila.

Tama ka kaberde! Hindi ko tinutukoy ang mga porselanang produkto ng mga Tsino na dinadala dito sa Pilipinas. Ang porselanang tinutukoy ko ay ang legs o hita ng mga babae na nakasuot ng perfect shorts na sumasakay sa mga jeepney na tumutungo saanmang sulok ng magulo at puro kamunduhang bansa natin.

Huwag magalala mga kaberde! Wholesome tayo. Wala kayong hindi magugustuhan na mababasa dito. Pramis!!!

Sa nilagi lagi nating pagbyahe mula sa bahay patungo sa ating sintang paaralan, hindi nakokompleto ang adbentyur natin kapag hindi tayo nakakasakay sa mga sasakyang binansagang hari ng kalsada- ang mga jeep o jeepney.

Pero hindi ba natin napapansin na sa tuwing nasa loob tayo ng patok o kaya naglulumaang jeepney ay palagi tayong may nakakasakay na mga chix na nakasuot ng perfect shorts? Hanep di ba? Kapag lalaki ka, mapapasabi ka ng “Thank goodness!” kapag babae ka naman, mapapabulong ka ng “Ang kapal ng mukha, akala mo kahabaan ang legs, Hmmp. (sabay rolling eyes.)” Oh di ba totoo yan mga kaberde? Huwag na tayo magdeny.

Pero naisisp kaya ng mga chix na nakasuot ng perfect shorts na sa tuwing sasakay sila ng jeepney ay may mga tao nang nakakagawa na ng paglabag sa pagkatao nila? Napapansin kaya nila ang mga simpleng pamboboso na nagagawa ng mga ito? Anu kaya ang maari nilang gawin para pigilan ang mga ito?

Ang ilan sa mga mapagsamantalang pasahero ay pasulyap-sulyap lang ang kayang gawin. Pasili-silip. Usog konti, adjust ng upuan sabay titig ng matagal. Ubo kunwari para lang may dahilan upang lumingon at tignan ang mga porselana. Pero ang iba sa kanila ay higit pa roon ang kayang gawin. Mayroon ng kayang kunan ng litrato o video ang mga porselana ng mga kababaihan. Ay nawa! Makonsensya naman kayo.

Dito na papasok ang limang pinaka epektibong tips para pigilan ang mga  nilalang na puro kamunduhan lamang ang alam sa pagtitig at pagkuha ng mga litrato ng mga porselana ninyong mga kababaihan:

Una, iwasan ang magsuot ng perfect shorts o alin mang uri ng mga damit na tinipid sa tela. Ikalawa, kung hindi maiiwasan ang magsuot ng perfect shorts, pumwesto sa bandang gitna ng jeepney dahil doon ang pwestong palaging sinisiksik. Tiyak na mahihirapan sila na tumingin sa inyo. Ikatlo, magdala palagi ng backpack o kahit anung bagay na pwedeng ipantakip sa inyong porselana. Ikaapat, uminom palagi ng salabat. Epektib ito para mapaganda ang boses ninyo kapag dapat ninyo ng sigawan ang violators ng inyong pagkatao. At ikalima, magpraktis magkarate. Magagamit ito kapag naaktuhan ninyong kinukunan kayo ng mga taong kamunduhan lamang ang nalalaman.

Ayan mga kaberde, wala na kayong dapat ipagalala. Alam na ninyo ang dapat gawin sakaling may mga magtangkang kunan ng litrato or video ang inyong mga porselana. Basta palagi lang na tatandaan, walang mambabastos kung walang magpapabastos.
                              
                                                                                                                    -- Villaruel Jr.

Run Por Yor Layp!

“Pinoy nga naman”. Ang daming talent sa katawan. Kung tutuusin pwedeng pwede na tayo sa Hollywood. Isa sa mga avengers o kung sino pang superheroes. Mala-Flash na datingan malamang sa Pilipinas na kayo kumuha. Kaya tinatawagan ko ang mga director sa Hollywood. Basta salisihan, panalo tayo!

Mula sa laganap na holdpan, snatch-an, nakawan. Diyan hindi papahuli ang Pilipino. Kung kasali lamang ang mga ito sa Olympics, baka naka-history na tayo dahil sa pag-ani ng ginto. Ang problema, alam na kung saan mapupunta ang mga ito. Sa DINADAMI ba naman ng problema ng PILIPINAS tulad nito, na halos di na mabilang, dumadagdag pa ang  mga SIMPLENG bagay katulad ng pagtawid ng tama. Sa simpleng bagay na aking binabanggit, maaring ito ang maging daan tungo sa pagiging disiplinado nating mga Pilipino.


Bakit di ko mawari. Bakit ganun? Malinaw naman. Green for go, orange for slow, red for stop. Pati ba kulay hirap tayo? Siguro naman sa pagtanda natin kahit di tayo nakapag-aral, alam natin ang mga kulay sa trapiko. Aking pupunahin ulit, pagiging TAMAD na naman ba ang dahilan ng mga ito? Pagkawala ng pasensya? Ang galing naman! Pati pala katigasan ng ulo nadaan pa sa heredity. Napakaraming tao ang gumagawa ng pagsuway na ito.

Kumbaga sa paggawa ng mineral, salang sala na ang mga Pilipinong tumawid sa tamang tawiran at tamang oras. Pero counter attack naman ng Pinoy diyan eh, practicality. Wala naman ngang dumadaan, why wait?

Mahirap tanggapin na sa simpleng bagay, palpak pa din ang mga kalahi mo. Pasikat ba o nagpapakamangmang lang? Teka, hindi kaya sa hirap ng buhay ngayon kaya walang alinlangan na tumatawid sila? Immediate suicide ata ang hanap ng mga taong ganoon. Hindi ko alam ang eksaktong pagitan ng oras ng pagbabago ng traffic light. Pero suriin naman natin (please naman) konting oras lang naman di ba? Alam ko time is gold pero life is too precious. Sa pagmamadali mo baka mapadali din ang buhay mo sa katigasan ng ulo mo. Huwag naman sana nating hintayin pa ang ganoon mga ka-brad. Konting pagsunod lang naman, hindi naman na siguro mahirap yun. Kailangan ba madala pa tayo bago tumino? OA. Kilala ko pinoy. Eksakto OA nga.

Alam ko iba ang feeling kapag nakalampas ka sa mga nagraragasang mga sasakyan. Sarap! My kilig pa ngang kasama kung minsan. Taas balahibo! Para kang action star. Finish line! Ngiti sa mga muka ang dulot nito. Dyahe. Pero tandaan mo, ngiti din ang abot mo pag inabot ka, baka yun nga lang, sa ilalim ka na ng isang salamin.



 --Suelan Jr.