Martes, Setyembre 25, 2012

OH KASYA PA BA?





May tanong ako mga Ka IsipBerde. Bakit tayong mga Pilipino kung saan masikip dun tayo hilig sumiksik no? tulad ng sa litrato na yan.. ang Dami naman na tricycle sa Pilipinas bakit umaapaw pa din yan? Hirap na Delikado  pa. Wew!


Teka teka baka nga naman mas makakamura kapag madami kayo sasakay sa tricycle?  Pero mukhang hindi naman ata. Pwede naman maghintay ng next tricycle  bakit kailangan pa na sumiksik? Para kayong sardinas na pinilit sa loob ng isang latang maliit. Mga estudyante pa naman to oh.Ang babata pa!


Si manong naman tignan nyu oh!  Medyo nakangiti , siguro sa isip nyan madami na naman siyang kita. Sulit ung isang pasada. Pero manong naman oh. Hindi mo ba naisip yung kaligtasan ng mga batang yan? Yung tinuturing na mga Pag-asa ng bayan. Dahil lang ba sa 7 o 8 pesos nabayad pwede ka na mapahamak. No way pre!


Yung mga nanay naman ng mga batang to hindi naman ata pinapansin yung ganitong eksena na dinadanas ng mga anak nila. Dapat sinisita nila yan eh. Kaso hindi ata. Pagnapahamak yang mga bata tiyak iyak mga yun. Ang mga magulang ay may konting pagkakamali din na dapat matuto.


            Ang isang pampasaherong tricycle ay dapat may apat na sakay lang kasama na ang driver kapag sumobra dun. Excess passenger na angtawag pasok din sa reckless driving, tapos may multana 1300pesos with malupet na Seminar. Madaming ata kinita yung driver mas malaki naman multa kaya ikaw namang driver. Itigil na yan ok?


Mga Kaisipberde. Dapat matuto tayo na sumunod sa tama and alagaan ating kaligtasan ah? Wag na din sumiksik sa mga masisikip, madami pa naman sigurong masasakyan. Hintay nalang ng next na sasakyan kaysa naman mapahamak ka. Oh hindi nakasya ah!

 -          Obniala

Sabado, Setyembre 22, 2012

Man Vs. Beast


Lumaganap nitong mga nakaraang araw ang sigalot sa pagitan ng mga enforcers at motorist. Sa isang dako, enforcer ang matapang(with matching kotong syempre) o minsan naman ay ang mga motoristang kala mo sing tapang ni Superman kung makapagangas at tipong siya lang ang tama sa mundo. Dumarami ang ganitong insidente. Sino nga ba ang may kasalanan ditto? O pwede na ba nating sabihin na “ano” ang dahilan nito?

Alam naman natin na sa daan nangyari ang mga kaguluhang ito. Tuwid nga ba ang dinadaanan natin? Kung titingnan natin, marami ang sanhi ng sigalot na ito.

Una, “TRAPIKO”. Walang kamatayang trapik. Hanggang sa maging diktatoryal na ata ang Pilipinas(kung magiging man) ay mayroon pa ding trapik. Ika nga ng isang manunulat, parte na din dawn g buhay natin ang trapik. Kasama na ng kamatayan at buwis. Hindi natin pwedeng iwasan as life goes on.  Pagdaan na lang ata sa ere ang solusyon para hindi magtrapik. Sana maimbento na iyon. Mabawas bawasan naman ang problema nating mga Pilipino.

Pangalawa, “disiplina”. Lingid sa kaalaman ko, hindi dumadaan sa mga training ang mga naitatalagang enforcers natin. Bumabase lang ata sa mga “resume o biodata” ng mga nag-aaply ang mga nauukulan. Ayun na nga. Yun ang kulang. Kung sasabayan mo nga naman ang init ng ulo ng mga naiipit sa trapik at wala kanga lam sa paghawak nito, World War III kayo. Sana magkarron ng mga programa ukol ditto. Kung paano ang tamang pagalalay sa mga motorista. Mabawasan na din sana ang mga “buwaya”. Baka sakaling hindi na magkaroon ng mga ganitong klase ng gulo.

Pangatlo, ang mga motorista mismo. Hindi naman sila lalapitan ng mga may kapangyarihan sa batas(pwera na lang kung kotong lang ang habol) kung wala silang nagawang paglabag sa batas trapiko. Ang hirap lang sa atin, lalo na sa mahilig sa pork ay mabilis ang pagiging highblood natin. Na napuipunta sa pagkawala ng control. Sa pagkawa ng disiplina at sobrang pagmamagaling natin, nakakalimutan natin na tao lamang tayo. Mabuting usapan na lang sana idaan ang mga ganitong hindi pagkakaunaawaan o pagkakasunduan. Alam mo yung “feeling” ng ganun. Swabe.

Ang galling no! konektado lahat. But wait, there’s more. Ang huling parte ng cycle nito ay… TAYO.-tayong mga ordinaryong mamamayan. Sa pagsubaybay natin sa mga ganitong eksena, andoon na ang takot, pangangamba. Pumapasok sa isip natin na hindi na ligtas ang tuwid na daan na sinasabi.
Masolusyunan sana ang ganitong simpleng gulong namumuo. Marami ng problema ang Pilipinas. Oh diyos ko. Dadagdag ka pa ba?


--Suelan Jr.

Biyernes, Setyembre 21, 2012

PRUTAS MO, INGATAN MO!!!


“It sex up the sex life.”

Yan ang depenisyon dito ng isang men’s magazine.

Tuwang tuwa ang mga kalalakihan sa tuwing nakikita sila nito sa mga nagkakapalang pahina ng mga magasin na binabasa nila. Hindi nila napipigilang mapangiti na parang may masamang binabalak sa tuwing masusulyapan nila ang mga ito. Karamihan sa mga lalaki ay nagnanais na mapasakamay nila ang mga ito balang araw.

Siguro sinusubukan mong hulaan kung ano ang mga tinutukoy ko? Huwag ka nang mag aksaya  pa ng oras dahil sasabihin ko na sa iyo. diretsyo na tayo sa punto! Ito na ang ikatlong bahagi ng serye ng mga blog tungkol sa biswal na polusyon.

Kaberde, maligayang pagbabasa sa artikulo na dadakmain at susunggabin ang mga naglalakihang …

PRUTAS. (codename para sa dibdib ng mga kaibigan nating mga babae.)

 Huwag munang mag-react mga kaberde! Tulad ng dati, wholesome pa rin ang nilalaman ng artikulo na ito. Kaya wala kayong dapat ipagalala.   

Ang hirap kasi sa ibang mga babaeng Pilipina, kukuha nalang sila ng litrato, nasa mataas pa na anggulo ang kanilang kamera! Ano ba ang kamera nila, CCTV ng MMDA?

Kaya ayun, kabi-kabila ang kaso ng panggagahasa at pananamantala. Pati mga batang babae pinapatulan na. Ilang buhay pa kaya ang sisirain ng mga prutas na ito? Ilang pangarap pa kaya ang wawasakin ng mga prutas na ito? Ilang kaso pa ba ng pangaalipusta sa mga kababaihan ang idudulot ng mga prutas na ito?

Galing ang litrato na ito sa Google.
Haaaay… Kung may magagawa lang sana tayo. MERON naman!

Kaso mahirap. Pero kahit mahirap, at least POSIBLE.

Hindi ko isinisisi sa mga prutas ng mga kababaihan ang mga kasalanan na nagagawa ng mga kalalakihan. Ang nais kong lamang na ipaalam ay kung paano iiwasan ng mga dalaga na masangkot sa mga malalaswang krimen na bumabalot sa pangaraw-araw na pamumuhay sa bansang ito na nababalutan ng makapal na kumot ng kamunduhan.

Mahirap iwasan ang mga prutas sa daan. Kaya kung mismong sa mga lalaki magsisimula ang disiplina para layuan ang mga naglalakihang prutas na ito, medyo magaantay pa tayo ng mahabang panahon. Halos imposibleng iwanan ng kalalakihan ang pagnanasa sa mga prutas.

Hindi pa kasi nabubuhay sa mundo ang lalaking makakapagpigil sa mga prutas na iyan. Matagal pa siguro siyang darating. Malamang, wala na tayo nun. Kaya kung aantayin pa natin siya, wala nang mangyayari. Kaya nararapat lamang na tayo na ang gumawa ng aksyon!

Kaya ang suhestiyon ko, mismong ang mga kaibigan na nating mga babae ang dapat na mag-adjust sa mga pagkakataon na mararamdaman nilang may sumisipat na sa magkabila nilang mga prutas.

Eh ano ang dapat gawin?

Madali lang mga kaberde. SUNDIN lamang ang mga sumusunod na mga tips:

(Epektibo ito at garantisadong lalayuan na kayo ng mga makamundong mga nilalang kapag sinubukan niyo.)

Una, dapat hangga’t maari, huwag nang magtangkang magsuot ng mga damit na mayroong mabababang necklines. Mas mababa ang neckline, mas madaling makapanilip.

Ikalawa, iwasan ang mga matataong lugar. Madalas kasi sa mga matataong lugar nagkakaroon ng tyansa na makachansing ng mga prutas ang mga bastos na nilalang.

Ikatlo, huwag hahayaang makalapit sa iyo ang sinumang lalaki. Kahit mapakaibigan mo pa o kabarkada (huwag sundin ang tip na ito kung ang lalapit sa iyo ay ang boypren mo.). Mahirap na kasing magtiwala. Maniwala ka.

Ikaapat, huwag ding magsusuot ng perfect shorts. Nakatago nga ang mga prutas mo, nakabuyangyang naman ang porselana mo. Waepek din yun. Hahabulin at hahabulin ka pa rin ng mga manyakis.*

At ang huli, never kakalimutang magdasal at magpasalamat sa Maykapal. Siya lamang ang nakakarinig sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. J


Oh mga kaberde, may ideya na kayo kung paano iiwasan ang mga manyakis na mga tao ha! Sana matulong ang artikulo na ito upang mabawasan na ang kaso ng mga malalaswang krimen na nangyayari dito sa ating iniirog na bansa.

Lagi lang pakakatandaan, WALANG mangbabastos kung WALANG magpapabastos (alam ko na nabasa mo na sa Porselana sa Jeepney itong huling pangungusap kaya huwag nang magtaka. Haha! ).

*Para sa kumpletong detalye ng mga tips para iwasan ang mga tiktik ng mga perfect shorts sa mga pampasaherong jeep, basahin lang ang artikulong Porselana sa Jeepney. Salamat kaberde!!!

-- Villaruel Jr.

May Liwanag ang Buhay!

Siguro naman narinig nyo na ang sikat na tag line na yan. HAHA. Oo tama! Sa commercial nga yan ng Meralco. Ang Leading Power Producer dito sa Pilipinas. Halimaw maningil ng bill. Pati yung mga bayarin sa mga “system loss” ng kumpanya pinapasa sa konsyumer. Pero bago tayo malayo sa aking paksa. Ito nga pla ay tungkol sa Polusyong Liwanag o Light Pollution. Malamang sa alamang ngayon nyo lang ito narinig? Siguro yung iba alam pero ito sasabihin ko na ang kahulugan para fair naman sa ibang hindi ito alam. Huwag na kayo magbukas ng GOOGLE!


Ang Light Pollution o Polusyong Liwanag ay polusyon na kung saan sobra ang liwanag sa isang lugar. Kadalasan itong problema ng mga Photographer na katulad ko. Excessive or Obstructive of Artificial Light. Pero problema rin ito ng mga ibang nilalang sa paligid. Kung yung iba nga hindi makatulog ng bukas ang ilaw sa kwarto, yung mga hayop pa kaya?


Kung may oras kayo mamayang gabi or kung gabi nyo man ito mabasa ay lumabas kayo at tumingala sa langit. Siguro naman kung hindi maulap ay may bitwin kayong makikita. Kung wala ito ay senyales na malaki ang epekto ng light pollution sa lugar nyo dahil nabablock/ naooverpower na nya ang liwanag na galing sa bitwin patungo dito sa mundo. Pero kung wala talaga malas lang mailap ang bitwin ngayon bawi na lang bukas.

Masasabi rin natin na maganda siya sa paningin ng iba lalo kung sa high tech na panahon ka nasanay at syempre tignan sa kamera kapag nabalanse mo ang tamang timpla pero kakaiba talaga ang naidudulot nito sa paligid at hindi pa nasusukat ang maaaring maging epekto.

Naapektuhan nitong lubusan yung mga nag-aaral ng astrolohiya. Kung balak nilang kumuha ng litrato o pag-aralan ang galaw at kinikilos ng kalangitan/kalawakan pero matindi ang liwanag sa lugar hirap siyang i-identify ang mga ito dahil hindi niya ito gaano Makita. Katulad ng nasa litrato.

Magtipid ng kuryente. Gamitin lang kung kinakailangan. Huwag nang magsayang ng kung ano ano dahil sa panahon ngayon limitado na ang ating mga pinagkukunang yaman. Ingatan ang kapaligiran!

-          Carbonell

Tuwid na Daan

Napansin nyo ba simula nung maupo ang ating presidenteng si PNoy ay inuna nitong ayusin ang mga kalsada. Lalo na sa bandang pureza. Sa mga nakaaalam malubhang trapik ang dinulot nito kahit winasak ang medyo okey okey pa namang mga kalsada. Nang matapos ang pag-aayus ng kalsada. Ayun balik lang sa dati. May masabi lang na nagawa. Totoo ang sinasabi ko. Naging malinis lang tignan pero ganun na ganun pa rin ang kinalabasan. Walang inunlad.


Tuwid na daan ba kamo? E bakit halos ganito lahat ng nakikita kong kalsada ngayon sa buong ka-Maynilaan? Puro aspaltadong daanan. Maganda sa unang paningin kasi itim, smooth sa pagdadrive at may Libreng tireblack ang mga gulong ng kanilang mga sasakyan. Ngunit kapag umulan at nadaanan ng mga malalaki at mabibigat na sasakyan tulad ng mga trak at bus at iba pang pampublikong sasakyan ay agad nadedeform, nalulubog at nasisira.

Bakit pa kasi inaaspalto? Panandalian lang kasi ang silbi ng mga ito. Lalo na sa panahon ng tag-ulan. Di magkanda ugaga ang mga reklamo sa mga sira sirang kalsada na karamihan ay mga aspaltadong daan. Kadalasan yun yung mga daanan na palaging dinadaanan. Bakit hindi na lang tayo doon sa pang matagalang solusyon? Ang konkretong simento. Isipin din natin mapapamahal nga tayo doon pero atleast pangmatagalan na yun, mga dalawa hanggang tatlong taon. Hindi katulad ng aspalto na pagdating ng tag-ulan mawawasak tapos pagdating ng tagtuyot aayusin. Halos taon taon din ang gastos.

Ang tanong pla ay kung pinaglalaanan ba ng pansin ang mga ibang lugar na hindi pa naabot ng sibilisasyon. Sana yung mga sinisirang kalsada at ibinabalik lang sa dati para may masabi na may nagawa lang ay itigil na. Sana pinampapagawa na lang ito ng mga kalsada patungo sa mga liblib na bayan o kaya dagdag pondo ng pamahalaan sa ibang gastusin ng gobyerno.

Ang pera ng taumbayan hindi dapat nasasayang. Dapat itong napupunta at nalalaan sa pangangailangan ng bayan!


-Carbonell