Martes, Enero 1, 2013

EXPIRATION DATE


Lahat daw ng bagay sa mundo ay may katapusan.
Tama nga naman. Maski nga ang mundong tinitirhan natin, ginagalawan natin, at sinisira natin ay may katapusan din.

May hangganan.
May ending.
May expiration date.

Mula pa noong unang panahon, marami na ang naniniwalang ang katapusan ng mundo ay sadyang nalalapit na. Maraming prediksyon o hula ang nagsilutangan at nagsulputan. Karamihan sa kanila ay nagmula sa iba’t ibang uri ng pananampalataya, takot at hindi mapagkakatiwalaang kaalaman.
Halina’t muli nating balikan ang mga nagllakihang epic fail na hula sa petsa ng end of the world! Panuorin niyo.

End date: 2800 BC
Nagsabi: Ang mga Assyrian
Isang lumang tableta na gawa ng mga Assyrian na pinaniniwalaang nalikha noong 2800 BC ang nahukay. Sa tabletang ito nakaukit ang mga itinagalog na salitang…

“Ang mundo ay nasisira na sa mga nagdaang araw. Maraming senyales na ang lumutang tungkol sa mabilis na pagkawasak ng mundo. Ang mga panunuhol at korapsyon ay nagkalat na.”

Anyare? FAIL!

End date: January 1, 1000
Nagsabi: Pope Sylvester II

Maraming Kristiyano sa Europa ang naniniwalang mangyayari ang katapusan ng daigdig sa petsang Enero 1, 1000.

Anyare? FAIL!

End date: 1033
Nagsabi: Ibang Kristiyano

May ibang naniniwalang ang taong ito ay ang ika-sanlibong anibersaryo ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo at ang muling pagbabalik ay inaasahan nila.

Anyare? FAIL!

End date: 1284
Nagsabi: Pope Innocent III

Hinulaan ni Pope Innocent III na magugunaw ang daigdig eksaktong anim na raan at anim napu’t anim na taon matapos ang pag-angat ng relihiyong Islam.

Anyare? FAIL!

End date:  1346-1351
Nagsabi: Ibang taga-Europa

Ang “Black Plague” na kumalat noon sa Europa ay pinagkamalan ng marami na isang senyales ng End of the World.

 Anyare? FAIL!

End date: 1600
Nagsabi: Martin Luther

Isang iconic figure ng samahang “Protestant reformation” na siyang nanghula na ang katapusan ng mundo ay mangyayari bago o hindi lalagpas ng taong 1600.
Anyare? FAIL!

End date: 1688
Nagsabi: John Napier

Kinalkula ng mathematician na ito ang katapusan ng daigdig base sa Libro ng Rebelasyon.

Anyare? FAIL!

End date: 1658
Nagsabi: Christopher Columbus

Sinabi niyang ang daigdig ay nalikha noong 5343 BC at tatagal lamang ng 7,000 na taon. Iginiit niyang walang “Year 0”, ibigsabihin ang katapusan ay darating sa taong 1658.

Anyare? FAIL!

End date: 1890-1891
Nagsabi: Joseph Smith

Ang bumuo ng samahang “Day Saint Movement” ay nagkaroon ng prediksyon na ang muling pagbabalik ay mangyayari sa taong 1890 o sa 1891.

Anyare? FAIL!

End dates: September 6, 1994
                    September 29, 1994
                    October 2, 1994

Pasimuno: Harold Camping
Hinulaan niyang ang “The Rapture” ay mangyayari sa petsang September 6, 1994. Nang hindi mangyari, binago niya ang petsa sa araw ng September 29, 1994 at kinalaunan, ginawang October 2, 1994.

Anyare? Triple Kill ang FAIL!!!

End date: March 31, 1995
Pasimuno: Harold Camping (na naman?)

Ang ikaapat niyang prediksyon sa eksaktong petsa ng expiration date ng daigdig ayu noong Marso 31, 1995.

Anyare? FAIL ULET!!! (dominating na!)


End date: July 1999
Pasimuno: Nostradamus

Isang prediksyon ni Nostradamus na nagsasabing “The king of terror would come from the sky in 1999 and seven months” ay nagdulot ng takot sa buong mundo.

Anyare? Syempre FAIL!

End date: January 1, 2000
Pasimuno: Iba’t ibang tao

Ang “Year 2k Computer Bug” ay hinulaang magdudulot ng computer crashes, major catastrophe at siyempre, pagkagunaw ng daigdig.

Anyare? FAIL pa rin!

End date: April 29, 2007
Pasimuno: Pat Robertson

Sa kanyang libro noong 1990 na pinamagatang The New Millennium, sinabi niyang ang petsang ito ang katapusan ng mundo.

Anyare? FAIL!

End date: May 21, 2011
Pasimuno: Harold Camping (ulet?!)

Hinulaan niyang ang The Rapture at ang mga mapangwasak na lindol ay mangyayari sa nasabing petsa. Sinabi pa niyang kukunin ng Panginoon ang tatlong porsiyento ng populasyon ng daigdig at mangyayari daw ang katapusan makalipas ang limang buwan.

Anyare? FAIL ULET!!! (megakill!)



End date: October 21, 2011
Pasimuno: Harold Camping (makulet!)

Nang hindi mangyari ang ikalima niyang prediksyon ukol sa pagkagunaw ng mundo, ni-revise niya ang ito at sinabing sa May 21 mangyayari ang “Spiritual Judgement” at ang “Physical Rapture” at ang “End of the World” ay mangyayari naman sa petsang October 21. 2011.

Anyare? SIX TIMES EPIC FAIL!!! (unstoppable!)

At ito na ang pinaka-latest!!!

End date: December 21, 2011
Pasimuno: Iba’t ibang tao

Ang pagtatapos ng Mayan Calendar at ang pag-iisang bilyong views ng Gangnam Style sa Youtube ay nagbigay sa atin ng iba’t ibang ideya kung paano magugunaw ang daigdig tulad ng Galactic Alignment, Geomagnetic Reversal ng mga Poles, pagbunggo ng Planet Nibiru, isang alien invasion, pagsabong ng supernova, pag-explode ng buwan at marami pang iba!

Anyare? Ano pa ba? Edi FAIL!!!

Kung inaakala ninyong ang “12-21-12 Phenomenon” na ang huling prediksyon ukol sa expitation date ng mundo, pwes! Nagkakamali kayo!
Mangilan-ngilan pang prediksyon sa petsa ng pagkagunaw ng mundo ang ibinigay ng mga tao at mga organisasyon mula sa nakaraan at sa kasalukuyan ang sadyang hihintayin pa rin natin upang mapatunayan.

Kabilang na dito ang:

End date: November 13, 2026
Pasimuno: Heinz Von Foerster

Ayon sa isang artikulo ni Foerster na napublished sa “Science Magazine” noong 1960, ito daw ang petsa na kung saan aabot na ang populasyon ng mundo sa estadong “infinity”, ang resulta ay ang sinasabing “Doomsday Equation”. Pero siya na mismo ang nagsabing wala itong katotohanan.

Posibleng anyare? Likely to FAIL!!!

End date: April 13, 2036
Pasimuno: National Aeronautics Space Administration

99942 Apophis: Kapag ang asteroid Apophis ay nagdaan sa one-half-mile-wide “Gravitation Keyhole” (isang region sa kalawakan malapit sa Earth) sa taong 2029, ang asteroid ay maaaring sumalpok sa daigdig sa petsang April 13, 2036. Base sa lokasyon at anggulo ng pagbagsak, magiging mapangwasak ang kahihinatnan.

Posibleng anyare? Mapagiisipan pa. (1 in 250,000)

End date: 3797
Pasimuno: Nostradamus

Sinasabing ang mga propesiya ni Nostradamus ay magtatapos na sa taong ito. Iniisip ng iba na marahil sa taong ito na rin magugunaw ang mundo.

Posibleng anyare? Hindi sigurado. May mga hulang tumama. May mga hula ring nag-fail.

Pero sa lahat ng prediksyon na nagsulputan, ito lang ang garantisadong mangyayari.

End date: Year 5,000,000,000
Pasimuno: Scientific Community

Ito ang end date ng current phase development ng Sun o ng araw. After nito, lalaki ang araw at magiging Red Giant at kakainin ang planetang Earth o kung hindi naman, susunugin ito. Ang teoryang ito ay tanggap na ng scientific community at sigurado silang mawawasak na ang mundo sa panahon na ito.

Posibleng anyare? Wala na tayong pakialam dyan. Deads na tayo nun.

Imbes na pagakisayahan natin ng oras ang mga nagsusulputang “End of the World” predictions, bakit hindi na lamang natin enjoyin ang buhay?
Live well! Enjoy! Be positive! Marami pang problema ang mas dapat na pagtuunan ng pansin. Mas magiging magaan ang buhay kung mareresolba natin ang mga problemang ito.

If all else fails, iisa lang din naman ang makakapitan natin- walang iba kundi ang nasa itaas! J

Bueno, ang makaberdeng aral sa episode na ito, kung ano ang meron sa’yo ngayon ay pahalagahan mo na at ipagpasalamat dahil kapag dumatin na ang expiration date nito, baka mahirapan ka nang maka-move on!

Which reminds me on the saying,
“Just believe in God and in yourself.”

Ito ang IsipBERDE!
Hindi na uso ang pa-conservative dahil lamang na ang may experience! :D

-          Villaruel Jr., Carbonell, Suelan Jr., Obniala at Salayo.