Lahat
daw ng bagay sa mundo ay may katapusan.
Tama
nga naman. Maski nga ang mundong tinitirhan natin, ginagalawan natin, at
sinisira natin ay may katapusan din.
May
hangganan.
May ending.
May
expiration date.
Mula
pa noong unang panahon, marami na ang naniniwalang ang katapusan ng mundo ay
sadyang nalalapit na. Maraming prediksyon o hula ang nagsilutangan at
nagsulputan. Karamihan sa kanila ay nagmula sa iba’t ibang uri ng
pananampalataya, takot at hindi mapagkakatiwalaang kaalaman.
Halina’t
muli nating balikan ang mga nagllakihang epic fail na hula sa petsa ng end of
the world! Panuorin niyo.
End
date: 2800 BC
Nagsabi:
Ang mga Assyrian
Isang
lumang tableta na gawa ng mga Assyrian na pinaniniwalaang nalikha noong 2800 BC
ang nahukay. Sa tabletang ito nakaukit ang mga itinagalog na salitang…
“Ang
mundo ay nasisira na sa mga nagdaang araw. Maraming senyales na ang lumutang
tungkol sa mabilis na pagkawasak ng mundo. Ang mga panunuhol at korapsyon ay
nagkalat na.”
Anyare?
FAIL!
End
date: January 1, 1000
Nagsabi:
Pope Sylvester II
Maraming
Kristiyano sa Europa ang naniniwalang mangyayari ang katapusan ng daigdig sa
petsang Enero 1, 1000.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1033
Nagsabi:
Ibang Kristiyano
May
ibang naniniwalang ang taong ito ay ang ika-sanlibong anibersaryo ng pagkamatay
at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo at ang muling pagbabalik ay inaasahan nila.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1284
Nagsabi:
Pope Innocent III
Hinulaan
ni Pope Innocent III na magugunaw ang daigdig eksaktong anim na raan at anim
napu’t anim na taon matapos ang pag-angat ng relihiyong Islam.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1346-1351
Nagsabi:
Ibang taga-Europa
Ang “Black
Plague” na kumalat noon sa Europa ay pinagkamalan ng marami na isang senyales
ng End of the World.
Anyare? FAIL!
End
date: 1600
Nagsabi:
Martin Luther
Isang
iconic figure ng samahang “Protestant reformation” na siyang nanghula na ang
katapusan ng mundo ay mangyayari bago o hindi lalagpas ng taong 1600.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1688
Nagsabi:
John Napier
Kinalkula
ng mathematician na ito ang katapusan ng daigdig base sa Libro ng Rebelasyon.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1658
Nagsabi:
Christopher Columbus
Sinabi
niyang ang daigdig ay nalikha noong 5343 BC at tatagal lamang ng 7,000 na taon.
Iginiit niyang walang “Year 0”, ibigsabihin ang katapusan ay darating sa taong
1658.
Anyare?
FAIL!
End
date: 1890-1891
Nagsabi:
Joseph Smith
Ang
bumuo ng samahang “Day Saint Movement” ay nagkaroon ng prediksyon na ang muling
pagbabalik ay mangyayari sa taong 1890 o sa 1891.
Anyare?
FAIL!
End
dates: September 6, 1994
September 29, 1994
October 2, 1994
Pasimuno:
Harold Camping
Hinulaan
niyang ang “The Rapture” ay mangyayari sa petsang September 6, 1994. Nang hindi
mangyari, binago niya ang petsa sa araw ng September 29, 1994 at kinalaunan,
ginawang October 2, 1994.
Anyare?
Triple Kill ang FAIL!!!
End
date: March 31, 1995
Pasimuno:
Harold Camping (na naman?)
Ang
ikaapat niyang prediksyon sa eksaktong petsa ng expiration date ng daigdig ayu
noong Marso 31, 1995.
Anyare?
FAIL ULET!!! (dominating na!)
End
date: July 1999
Pasimuno:
Nostradamus
Isang
prediksyon ni Nostradamus na nagsasabing “The king of terror would come from the
sky in 1999 and seven months” ay nagdulot ng takot sa buong mundo.
Anyare?
Syempre FAIL!
End
date: January 1, 2000
Pasimuno:
Iba’t ibang tao
Ang “Year
2k Computer Bug” ay hinulaang magdudulot ng computer crashes, major catastrophe
at siyempre, pagkagunaw ng daigdig.
Anyare?
FAIL pa rin!
End
date: April 29, 2007
Pasimuno:
Pat Robertson
Sa
kanyang libro noong 1990 na pinamagatang The New Millennium, sinabi niyang ang
petsang ito ang katapusan ng mundo.
Anyare?
FAIL!
End
date: May 21, 2011
Pasimuno:
Harold Camping (ulet?!)
Hinulaan
niyang ang The Rapture at ang mga mapangwasak na lindol ay mangyayari sa
nasabing petsa. Sinabi pa niyang kukunin ng Panginoon ang tatlong porsiyento ng
populasyon ng daigdig at mangyayari daw ang katapusan makalipas ang limang
buwan.
Anyare?
FAIL ULET!!! (megakill!)
End
date: October 21, 2011
Pasimuno:
Harold Camping (makulet!)
Nang
hindi mangyari ang ikalima niyang prediksyon ukol sa pagkagunaw ng mundo,
ni-revise niya ang ito at sinabing sa May 21 mangyayari ang “Spiritual
Judgement” at ang “Physical Rapture” at ang “End of the World” ay mangyayari
naman sa petsang October 21. 2011.
Anyare?
SIX TIMES EPIC FAIL!!! (unstoppable!)
At
ito na ang pinaka-latest!!!
End
date: December 21, 2011
Pasimuno:
Iba’t ibang tao
Ang
pagtatapos ng Mayan Calendar at ang pag-iisang bilyong views ng Gangnam Style
sa Youtube ay nagbigay sa atin ng iba’t ibang ideya kung paano magugunaw ang
daigdig tulad ng Galactic Alignment, Geomagnetic Reversal ng mga Poles,
pagbunggo ng Planet Nibiru, isang alien invasion, pagsabong ng supernova,
pag-explode ng buwan at marami pang iba!
Anyare?
Ano pa ba? Edi FAIL!!!
Kung
inaakala ninyong ang “12-21-12 Phenomenon” na ang huling prediksyon ukol sa
expitation date ng mundo, pwes! Nagkakamali kayo!
Mangilan-ngilan
pang prediksyon sa petsa ng pagkagunaw ng mundo ang ibinigay ng mga tao at mga
organisasyon mula sa nakaraan at sa kasalukuyan ang sadyang hihintayin pa rin
natin upang mapatunayan.
Kabilang
na dito ang:
End
date: November 13, 2026
Pasimuno:
Heinz Von Foerster
Ayon
sa isang artikulo ni Foerster na napublished sa “Science Magazine” noong 1960,
ito daw ang petsa na kung saan aabot na ang populasyon ng mundo sa estadong “infinity”,
ang resulta ay ang sinasabing “Doomsday Equation”. Pero siya na mismo ang
nagsabing wala itong katotohanan.
Posibleng
anyare? Likely to FAIL!!!
End
date: April 13, 2036
Pasimuno:
National Aeronautics Space Administration
99942
Apophis: Kapag ang asteroid Apophis ay nagdaan sa one-half-mile-wide “Gravitation
Keyhole” (isang region sa kalawakan malapit sa Earth) sa taong 2029, ang
asteroid ay maaaring sumalpok sa daigdig sa petsang April 13, 2036. Base sa
lokasyon at anggulo ng pagbagsak, magiging mapangwasak ang kahihinatnan.
Posibleng
anyare? Mapagiisipan pa. (1 in 250,000)
End
date: 3797
Pasimuno:
Nostradamus
Sinasabing
ang mga propesiya ni Nostradamus ay magtatapos na sa taong ito. Iniisip ng iba
na marahil sa taong ito na rin magugunaw ang mundo.
Posibleng
anyare? Hindi sigurado. May mga hulang tumama. May mga hula ring nag-fail.
Pero
sa lahat ng prediksyon na nagsulputan, ito lang ang garantisadong mangyayari.
End
date: Year 5,000,000,000
Pasimuno:
Scientific Community
Ito
ang end date ng current phase development ng Sun o ng araw. After nito, lalaki
ang araw at magiging Red Giant at kakainin ang planetang Earth o kung hindi
naman, susunugin ito. Ang teoryang ito ay tanggap na ng scientific community at
sigurado silang mawawasak na ang mundo sa panahon na ito.
Posibleng
anyare? Wala na tayong pakialam dyan. Deads na tayo nun.
Imbes
na pagakisayahan natin ng oras ang mga nagsusulputang “End of the World”
predictions, bakit hindi na lamang natin enjoyin ang buhay?
Live
well! Enjoy! Be positive! Marami pang problema ang mas dapat na pagtuunan ng
pansin. Mas magiging magaan ang buhay kung mareresolba natin ang mga problemang
ito.
If
all else fails, iisa lang din naman ang makakapitan natin- walang iba kundi ang
nasa itaas! J
Bueno,
ang makaberdeng aral sa episode na ito, kung ano ang meron sa’yo ngayon ay
pahalagahan mo na at ipagpasalamat dahil kapag dumatin na ang expiration date
nito, baka mahirapan ka nang maka-move on!
Which
reminds me on the saying,
“Just
believe in God and in yourself.”
Ito
ang IsipBERDE!
Hindi
na uso ang pa-conservative dahil lamang na ang may experience! :D
-
Villaruel
Jr., Carbonell, Suelan Jr., Obniala at Salayo.