First time.
Lintik na first time.
Karamihan sa ating mga Pilipino ay pinagkakaguluhan ang mga pinaka-first time hindi lamang ng mga paborito nating mga artista at mga politiko kundi pati ng mga taong nakapaligid sa atin.
Sa buhay ng tao, imposibleng mawala ang first time. Hindi mo maitatama ang isang bagay kung hindi ka nagkamali sa first time. Hindi ka magiging magaling kung hindi ka naging mangmang sa first time. Hindi ka matututo kung hindi ka nagtanda sa first time.
Ito ang ilan sa mga hinidi nating makakalimutang "first time".
First time mong tumambay.
First time mong magkacellphone.
First time mong gumala.
First time mong magkarelasyon.
(Pers Taym na mala-Hollywood sign ng Jollibee sa Baguio City.) |
Sa buhay nating mga tao, normal lang ang makaranas ng first time, normal lang din ang magkamali sa first time. Ika nga "nobody is perfect". May katotohanan naman iyon. Pero uso naman ang second chances, malay mo maulit muli ang mga iyon at mabigyan ka pa ng isa pang pagkakataon. Doon mo na ito gawing tama.
No one is perfect but you can be excellent. Sa ibang salita, lahat ng indibidwal ay nagkakamali, pero may kakayahan tayong gawin itong tama.
Hangga't maari, hangga't kayang pilitin, sikaping maging tama ang mga mali sapagkat kung paulit-ulit ka na lamang na magfe-fail pagkatapos ng first time mo, siguradong may mali na sa pagkatao mo at hindi ito nangyayari for the first time.
"Bueno ang makaberdeng aral sa episode na ito: always do your best sa inyong first time para hindi kayo magfail sa kasabihang -- First impressions lasts.
- Carbonell, Obniala, & Villaruel Jr.